Aklat na Shamati, Sanaysay #43
Aking narinig
Ang katotohanan ay kung ano ang nararamdaman at nakikita ng kanyang mga mata. Ang pagkakakitang ito ay tinatawag na “gantimpala at kaparusahan,” ibig sabihin na walang bagay ang makukukuha ng walang paggawa. Ito ay parang isang tao na nakaupo sa kanyang bahay at walang kagustuhan na maglaan ng kahit anong bagay para sa kanyang kabuhayan. Kanyang sinasabi na yamang ang Lumikha ay mabuti na gumagawa ng mabuti, at naglalaan para sa lahat, dahil dito Siya ay tiyak na maghahatid sa kanya ng kanyang mga pangangailangan, habang sa sarili niya ay nangailangan ng walang pagkilos.
Mangyari pa, kung ang taong ito ay kumikilos sa ganitong paraan, siya ay tiyak na mamamatay sa gutom. Ang kadahilanan, din, ay nangangailangan nito, kaya nga ito ay nakikita sa mga mata, at ito sa katunayan ay ang katotohanan, ibig sabihin na siya ay mamatay ng pagkagutom.
Ngunit sa parehong oras ang isang tao ay dapat maniwala sa ibabaw ng katwiran na ang isang tao ay maaring makuha ang lahat ng kanyang pangangailangan ng walang pagsisikap at pagkaligalig, dahil sa pribadong awa at tulong ng Maykapal. Sa madaling salita, ang Lumikha ay gumagawa at gagawin pa ang bawa’t gawa, at ang isang tao ay hindi tumutulong sa kanya man lamang, tanging ang Lumikha ang gumagawa ng lahat ng bagay, at ang isang tao ay hindi maaring magdagdag o magbawas.
Gayunman, paano ang dalawang bagay na ito ay magkasama, yamang ang isa ay sumasalungat sa isa? Ang isang pagkakakita ay tinatawag na “kung ano ang naabot ng kanyang isip, ibig sabihin na kapag wala ang tulong ng tao, ibig sabihin na kapag wala ang pang-unang paggawa at pagsisikap, walang bagay ang maabot. Ito ay tinatawag na “katotohanan,” dahil ang Lumikha ay nagnais sa isang tao na makaramdam ng ganoong kalagayan. Ito ay kung bakit ang landas na ito ay tinatawag na “ang landas ng katotohanan.”
Huwag mong pahintulutan na magpalito iyan sa iyo, kung ang dalawang paraan na ito ay nasa pagkakasalungat, paano ito maari na ang kalagayang ito ay totoo? Ang kasagutan na ang katotohanan ay hindi tumutukoy sa paraan at sa kalagayan. Higit pa, ang katotohanan ay tumutukoy sa pakiramdam na ang Lumikha ay nagnais sa isang tao para makaramdam ng ganyan; ito ang “katotohanan.” Kasunod nito na ang batayan sa katotohanan ay maaring masabi nang tiyakan tungkol sa Lumikha, ibig sabihin tungkol sa kanyang kalooban, na nais niyang ang isang tao na makaramdam at makakita sa ganitong paraan.
Gayunman, sa parehas na panahon, ang isang tao ay dapat maniwala na kahit na ang isang tao ay hindi nakakaramdam at hindi nakikita sa kanyang mata ang isip na ang Lumikha ay makakatulong sa kanya para makuha ang lahat ng mga pakinabang na maaring makuha ng walang anumang pagsisikap, ito lamang ay hinggil sa pribadong awa at tulong ng Maykapal.
Ang dahilan na ang isang tao ay hindi maabot ang batayan ng pribadong awa at tulong ng Maykapal bago niya maaabot ang bagay ng gantimpala at kaparusahan ay na ang pribadong awa at tulong ng Maykapal ay isang walang hanggang bagay, at ang kanyang isip ay hindi walang hanggan. Samakatwid, nang minsan ang isang tao ay nagantimpalaan ng pagkakakita ng gantimpala at kaparusahan, gantimpala at kaparusahan ay naging isang Kli (Lalagyan) kung saan ang pribadong awa at tulong ng Maykapal ay maaring magdamit.
Ngayon maari na nating maintindihan ang berso, “O Panginoon, gawing ligtas, O Panginoon, gawing tagumpay.” “Gawing ligtas” ay tumutukoy sa gantimpala at kaparusahan. Ang isang tao ay kailangang magdasal na ang Lumikha ay maglaan sa kanya ng paggawa at pagsisikap na kung saan ang isang tao ay may gantimpala. Sa parehong panahon ang isang tao ay kailangang magdasal para sa tagumpay, na pribadong awa at tulong ng Maykapal, ibig sabihin na ang isang tao ay magagantimpalaan ng lahat ng pakinabang sa mundo ng walang paggawa at pagsisikap.
Nakikita rin natin ito sa materyal na pag-aari (nakikita sa pamamagitan ng kanilang pagkakahiwalay sa mga lugar, ibig sabihin sa dalawang katawan, nguni’t sa banal na mga bagay lahat ay sinuri sa nag-iisang katawan ngunit sa dalawang beses). Meron diyang mga tao na nakukuha ang kanilang pag-aari ng tiyakan dahil sa kahanga-hangang pagsisikap, lakas, at kahanga-hangang pag-iisip, at sa parehong panahon ating nakikita ang kabaligtaran, na ang tao na hindi masyado matalino, na walang sapat na lakas, at hindi gumagawa ng kahanga-hangang pagsisikap, ay nagtatagumpay at nagiging mga kahanga-hangang may-ari ng lupain at mga pag-aari sa mundo.
Ang kasagutan na ang mga materyal na bagay na ito ay nagpapaabot mula sa kanilang mga Ugat sa Itaas, ibig sabihin mula sa gantimpala at kaparusahan at mula sa pribadong awa at tulong ng Maykapal. Ang tanging pagkakaiba ay na ang kabanalang ito ay makikita sa isang lugar, ibig sabihin sa isang tauhan, pero paisa-isa, ibig sabihin sa isang tao pero sa dalawang kalagayan. At sa materyal na mundo ito ay sa isang panahon, pero sa dalawang tauhan, ibig sabihin sa isang panahon at sa dalawang naiibang tao.