Aklat na Shamati, Sanaysay #44
Aking narinig noong Tevet 10, Pebrero 1, 1928
Ang isang tao dapat ay magsuri kung ang pananampalataya ay nasa ayos, ibig sabihin kung ang isang tao ay may takot at pagmamahal, na siyang nasusulat, “Kung ako ay isang ama, nasaan ang aking dangal, at kung ako ay isang Panginoon, nasaan ang aking takot?” At ito ay tinatawag na “Isip.”
Dapat din nating makita na diyan ay wala ng mga hangarin para sa pagbibigay-kasiyahan sa sarili, na kahit na isang isip para magkagusto para sa kanyang sarili ay hindi babangon sa kanya, nguni’t ang lahat ng mga hangarin ay para lamang magkaloob sa Lumikha. Ito ang tinatawag na “Puso,” na siyang ibig sabihin na “Ang mahabaging Diyos ay gusto ang puso.”