kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

ANG PAGHAHARI NG ISRAEL SA IBABAW NG KLIPOT

Aklat na Shamati, Sanaysay #46
Aking narinig

            Tungkol sa paghahari ng Israel sa ibabaw ng Klipot (mga balat), at gayun din naman, ang paghahari ng Klipot sa ibabaw ng Israel.  Una dapat nating maintindihan kung ano ang “Israel” at kung ano ang “Ang mga Bansa sa Mundo.”

            Ito ay ipinaliwanag sa iilang mga lugar na ang Israel ay nangangahulugang “Panloob,” na tinatawag na “Ang Harapang Kelim (mga lalagyan),” sa pamamagitan kung saan ang isang tao ay maaring gumawa sa hangaring para makapagbigay ng kasiyahan sa kanyang Tagapaglikha.  “Ang mga Bansa sa Mundo” ay tinatawag na “Panlabas,” “Ang Likurang Kelim,” na ang kabuhayan ay nag-iisang nanggagaling mula sa pagtanggap at hindi sa pagkakaloob.

            Ang paghahari ng mga bansa sa mundo sa ibabaw ng Israel ay sa ganyan sila ay hindi maaring gumawa sa isang uri ng pagkakaloob at sa Harapang Kelim, kundi lamang sa Likurang Kelim.  Kanilang hinihikayat ang mga manggagawa ng Lumikha para mag-abot ng mga Liwanag sa ilalim ng Likurang Kelim.

            Ang paghahari ng Israel ay nangangahulugan na kung sila ay nagbigay ng kapangyarihan para ang bawa’t isa at lahat ng tao ay makakayanang gumawa sa hangarin na makapagbigay ng kasiyahan sa kanyang Tagapaglikha, ibig sabihin sa Harapang Kelim lamang, kahit na sila ay naggawad ng Hochma (kaalaman), ito ay nasa kalagayan lamang  ng “Isang daan upang paglakbayan buhat sa simula hanggang sa wakas,” at hindi higit pa.