kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

SA ISANG LUGAR KUNG SAAN MO MAKIKITA ANG KANYANG KADAKILAAN

Aklat na Shamati, Sanaysay #47
Aking narinig

            “Sa isang lugar kung saan mo makikita ang kanyang kadakilaan, diyan iyong makikita ang kanyang kababaang-loob.”  Ito ay nangangahulugan na ang isang tao na palaging nasa tunay na Dvekut (Pagkakadikit), nakikita na ang Lumikha ay nagpapababa ng kanyang sarili, ibig sabihin ang Lumikha ay naroroon sa mga mababang lugar.

            Ang isang tao ay hindi alam kung ano ang gagawin, at dahil doon ito ay nasusulat, “na nakaluklok sa kaitaas-taasan, na tumingin sa pinakababa ng kalangitan at sa daigdig?”  Nakikita ng isang tao ang kadakilaan ng Lumikha at pagkatapos “Na  tumingin sa pinakamababa,” ibig sabihin pinapababa niya ang kalangitan sa daigdig.  Ang payo na binibigay para diyan ay para mag-isip na kung ang hangaring ito ay mula sa Lumikha, wala na tayong mas hihigit pa diyan, na siyang nasusulat, “Kanyang itinaas ang dukha papalabas ng kanal.”

            Una, ang isang tao ay dapat makita na siya ay may kagustuhan.   Kung siya ay wala, siya dapat ay manalangin para dito, na bakit ang isang tao ay wala nito?  Ang dahilan ang isang tao ay walang kagustuhan ay dahil sa pagpapa-unti ng pagkaunawa.

            Dahil dito, sa bawat Mitzva (Panuntunan/Kautusan), ang isang tao ay kailangang manalangin, bakit siya ay walang pagkaunawa na siya ay hindi nangangalaga ng Mitzva sa pangkabuuan?  Sa madaling salita, ang kagustuhan para tumanggap ay tumatakip para ang isang tao ay hindi makikita ang katotohanan.

            Kung ang isang tao ay nakakakita na siya ay nasa ganitong mababang kalagayan, samakatwid siya ay tiyakan na hindi gusto ang ganyang kalagayan.  Sa halip, ang isang tao ay dapat ay magsikap sa kanyang gawain sa bawat oras hanggang siya ay dadating sa pagsisisi, na siyang nasusulat, “Kanyang dinala pababa sa libingan, at dinala paitaas.”

            Ito ay nangangahulugan na kapag ang Lumikha ay may kagustuhan sa makasalanan para magsisi, Kanyang ginagawa ang impiyerno na napakababa para sa kanya na ang makasalanan mismo ay hindi na gugustuhin pa.  Dahil dito, ang isang tao ay nangangailangan na manalangin ng pagsusumamo na ang Lumikha ay magpapakita sa kanya ng katotohanan sa pamamagitan ng pagdagdag sa kanya ng Liwanag ng Torah.