kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

ANG PANGUNAHING BATAYAN

Aklat na Shamati, Sanaysay #48
Aking narinig noong gabi pagkatapos ng Sabado, sa Vayera, Nobyembre 8, 1952

            Ang pangunahing batayan ay isang landas na alam ng lahat.  Ang pag-aalaga at ang pag-iingat tungkol sa pang-unawa ay dahil ito ay gawa sa saligan ng isang katanungan.  Kung ang isang tao ay nakakatagpo sa alam na katanungan, siya dapat ay armado at nakabantay para guwardiyahan at biglaang tumugon ng alam ng sagot.

            Sa madaling salita, ang kabuuang anyo ay gawa sa mga katanungan at kasagutan, kapag ang isang tao na siyang nasa landas ng Lumikha, at nabiyayaan sa pagtatayo ng anyo ng Pagka-diyos.  At kapag ang isang tao ay walang lugar para sa mga katanungan at kasagutan, siya ay tinatawag na “nakatayo.”

            Ang Lumikha ay naghanda ng isang lugar kahit na doon sa mga nabiyayaan na ng permanenteng pananamit ng Pagka-diyos, at ang mga nasa landas na ng mga antas, na matagal ng walang lugar para sa paggawa na sinabi sa itaas.  Sa lugar na ito sila ay mayroon ng malayang batayan kung saan ang pananalig ay maaring nandoon.

            Kahit na ito ay mahirap na maintindihan kung paano ang ganyang bagay ay maaring nandoon sa mataas na mga antas, na ang Lumikha Mismo ay maaring makagawa ng ganyang bagay.  Ito ang kahulugan ng pagtatama sa gitnang linya, at ang pagbabawal sa pagtanggap sa kaliwang linya.

            At sa ganung panahon, ating nakikita na ang Hochma ay nagpapakita lamang sa Malchut. At kahit na ang Malchut ay isang kasalungat na katangian mula sa Hochma, gayunman, ang lugar para sa pagpapakita ng Hochma ay nang tiyakan dito sa Malchut.

            Ito ang kahulugan ng, “at hayaang ang pagkaguhong ito ay nasa ilalim ng iyong kamay.” Ang ating mga pantas ay nagsabi na ang isang tao ay hindi naninindigan sa isang batas maliban na lamang kung siya ay nabigo dito.  Ang Batas ay nangangahulugang isang pagkakita ng Malchut (at ito ang kahulugan ng babaing ikakasal; kapag lumalakad sa babaing ikakasal ito ay tinatawag na “batas”).  Ito ay yari lamang sa mga balakid, ibig sabihin sa isang oras ng mga katanungan.  Kapag ang isang tao ay wala ng mga katanungan, siya ay walang katawagang “Pananalig” o “Pagkadiyos.”