Aklat na Shamati, Sanaysay #49
Aking narinig noong Huwebes,sa Vayera, Nobyembre 6, 1952
Diyan ay dapat may isang paghahanda sa pagkakita ng “isip,” sa ganyang paggawa na tumutukoy sa pagkakita ng pananalig. Ang kahulugan nito na kapag ang isang tao ay mapagpabaya sa gawain ng pananalig, siya ay nahuhulog sa isang kalagayan ng pagkakagusto lamang ng karunungan, na isang Klipa (balat), na laban sa Banal na Schechina (Pagka-diyos). Dahil dito, ang kanyang gawain ay para palakasin ang pagkakita ng “isip” sa bawat oras.
Gayon din, kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng kapabayaan sa gawain ng puso, siya ay kailangang magpatibay sa gawain na umuugnay sa pagkakita ng “puso,” at gumawa ng kasalungat na operasyon, ibig sabihin sakit ng katawan, na kabaligtaran ng kagustuhan para tumanggap. Ang pagkaka-iba sa pagitan ng kapabayaan sa gawain ng isip at gawain ng puso ay diyan ay may isang kasamaan Klipa (balat) laban sa isip na kayang mag-udyok sa isang kalagayan ng “pag-isip-isipan ang simula.”
Dahil dito, ang isang tao ay dapat gumawa ng salungat ng mga kilos, ibig sabihin sa bawat pagbabago ng pagkakita ng “isip,” kanyang kukunin sa sarili ang mataos na pagsisisi ng nakaraan at pagtanggap ng hinaharap. Ang isang tao ay maaring makatanggap ng pinanggagalingan na nagdudulot dito mula sa pagkakita ng “di kumikilos.” At ang bagay ng pananamit ng pananampalataya ay isang walang katapusan at walang hanggang bagay. Dahil dito, ang isang tao ay palaging magkakaroon nito bilang pang-sukat kung ang kanyang paggawa ay malinis o hindi, sapagka’t ang pananamit ng Shechina ay umaalis lamang dahil sa isang kasiraan, alinman sa isip o sa puso.