Aklat na Shamati, Sanaysay # 5
Aking narinig sa 1945
Para matamo ang Lishma, ito ay hindi sa sariling kakayahan ng tao na maunawaan, gaya na ito ay hindi para sa talino ng tao na maunawaan paano ang ganoong bagay ay maaaring nasa mundo. Dahil ang tao ay pinahintulutan lamang na makaunawa, na kung ang tao ay mag-abala sa Torah at Mitzvot, matatamo niya ang isang bagay. Kailangang mayroong sariling kasiyahan doon; kung wala, ang tao ay walang kakayahang gumawa ng anumang bagay.
Sa halip, ito ay iluminasyon na dumating buhat sa Itaas, at ang taong makatikim lamang ang maaaring makaalam at makaunawa. Isinulat tungkol dito, "Tikman at tingnan na ang Panginoon ay mabuti."
Kung kaya, kailangang maunawaan natin bakit ang tao ay dapat maghanap ng pangaral at mga payo tungkol paano matamo ang Lishma. Pagkatapos sa lahat, walang payo na makakatulong sa kanya, at kung hindi siya bigyan ng Panginoon ng ibang kalikasan, tinawag "ang Hangaring Magkaloob," walang trabaho na makakatulong sa tao na matamo ang bagay na Lishma.
Ang sagot ay, gaya ng sinabi ng ating mga taong paham ( Avot, 2:21), "Ito ay hindi para sa iyo na kumpletuhin ang gawain, at ikaw ay hindi malaya na magpakatamad nito." Ibig sabihin na ang tao ay dapat magbigay ng pagkapukaw buhat sa ibaba, dahil ito ay isinaalang-alang na panalangin.
Ang panalangin ay itinuring na kakulangan, at kung wala ang kakulangan walang katuparan. Kung kaya, kung ang tao ay mayroong pangangailangan para sa Lishma, ang katuparan ay dumating buhat sa Itaas, at ang sagot sa panalangin ay dumating buhat sa Itaas, ibig sabihin ang tao ay makatanggap ng katuparan para sa kanyang pangangailangan. Maintindihan natin na ang gawain ng tao ay kailangan para matanggap ang Lishma buhat sa Lumikha sa anyo ng kakulangan at ng Kli (Sisidlan) lamang. Nguni't, hindi maaari kailanman matamo ng tao ang katuparan sa kanyang sariling kakayahan; bagkus ito ay regalo mula sa Panginoon.
Subali't, ang panalangin dapat ay buo na panalangin, ibig sabihin, mula sa kaibuturan ng puso. Ito ay nangangahulugan na malaman ng tao isang daang porsiyento na walang iba sa mundo na maaaring makatulong sa kanya kundi ang Lumikha Mismo.
Gayun pa man, paano malaman ng tao na walang iba na makakatulong sa kanya kundi ang Lumikha Mismo? Matatamo ng tao ang kamalayan talagang kung ginawa na niya ang lahat sa kanyang kakayahan at ito ay hindi nakatulong sa kanya. Kaya, dapat gawin ng tao ang bawa't posibleng bagay sa mundo na sa kanyang kakayahan para matamo "para sa Lumikha." Sa gayon ang tao ay mananalangin buhat sa kaibuturan ng kanyang puso, at sa gayon ang Lumikha ay makinig sa kanyang panalangin.
Subali't, dapat malaman ng tao, na kung magbuhos ng lakas para matamo ang Lishma, aakuhin sa kanyang sarili na gustuhing gumawa talagang para magkaloob, sa lubusan, ibig sabihin magkaloob lamang at hindi tumanggap ng alinmang bagay. Sa ganoong paraan lamang na simulang makita ng tao na ang mga kasangkapan ay hindi sumang-ayon sa ideyang ito.
Mula doon ang tao ay makakarating sa klarong kamalayan na wala siyang ibang payo kundi ibuhos ang kanyang mga reklamo sa harap ng Panginoon na tulungan siya para ang katawan ay sasang-ayon na magpa-alila mismo sa Lumikha sa lubusan, gaya na makita ng tao na hindi niya mahihikayat ang kanyang katawan na mapawalang bisa ang kanyang sarili sa lubusan. Ito ay magresulta nang tiyakan na kung makita ng tao na walang dahilang umasa na ang kanyang katawan ay sasang-ayon na gumawa para sa Lumikha ng kusang-loob, ang kanyang panalangin ay maaaring manggaling sa kaibuturan ng puso, at sa gayon ang kanyang panalangin ay tanggapin.
Dapat nating malaman na sa pagtamo ng Lishma, inilagay ng tao ang masamang inklinasyon sa kamatayan. Ang masamang inklinasyon ay ang hangaring tumanggap, at ang pagtamo ng hangaring magkaloob ay magkansela ng hangaring tumanggap sa kakayahang gumawa ng anumang bagay. Ito ay isinaalang-alang na paglagay nito sa kamatayan. Dahil ito ay inalis na sa opisina nito, at ito ay wala nang magawa pa dahil ito ay hindi na ginamit, kung ito ay pinawalan na ng bisa sa kanyang gawain, ito ay isinaalang-alang na paglagay nito sa kamatayan.
Kung ang tao ay magmuni-muni "Anong benepisyo mayroon ang tao sa lahat ng kanyang gawain na kanyang ginawa sa ilalim ng araw," makita ng tao na hindi masyadong mahirap na alilain ang sarili sa Kanyang Pangalan, sa dalawang dahilan:
1. Kahit paano, ibig sabihin, sa kusang-loob man o hindi sa kusang-loob, ang tao ay dapat magbuhos ng lakas sa mundong ito, at ano ang natira sa tao sa lahat ng pagpupunyagi na kanyang ginawa?
2. Gayon pa man, kung ang tao ay gumawa Lishma, ang tao ay makatanggap ng kasiyahan sa panahon ng trabaho mismo din.
Ayon sa kasabihan ng Sayer ng Dubna, na nagsalita tungkol sa talata, "ikaw ay hindi tumawag sa Akin, O Yaakob, ni hindi ka man nagpagod mismo tungkol sa Akin, O Israel." Sabi niya na ito ay tulad ng mayamang tao na lumuwan sa tren at mayroong dalang maliit na bag. Inilagay niya ito sa lugar kung saan inilagay ng lahat ng mga negosyante ang kanilang bagahe at ang mga kargador ay kumuha ng mga bagahe at dinala ang mga ito sa hotel kung saan ang mga negosyante ay tumuloy. Naisa-isip ng kargador na tiyak na dala ng negosyante mismo ang kanyang maliit na bag at wala ng kailangan pa ng kargador para doon, kaya kumuha siya ng malaking bagahe.
Ang negosyante ay gustong magbayad sa kanya ng konteng bayad, gaya nakaugalian niyang babayarin, pero ang kargador ay hindi gustong kumuha nito. Sabi niya: "Ako ay naglagay sa lagakan ng hotel ng malaking bag; ito ay nagpagod sa akin at hindi ko halos madala ang iyong bag, at ikaw ay magbayad sa akin ng napakakonte para doon?"
Ang aral ay kung ang tao ay dumating at magsabi na masyado siyang nagbuhos ng lakas para ingatan ang Torah at Mitzvot, ang Lumikha ay magsabi sa kanya, "ikaw ay hindi tumawag sa Akin, O Yaakob." Sa ibang mga salita, hindi aking bagahe ang iyong kinuha, kundi ang bag na ito ay pag-aari ng ibang tao. Dahil sabi mo na mayroon kang masyadong maraming pagpupunyagi sa Torah at Mitzvot, mangyaring ikaw ay mayroong ibang panginoon na ikaw ay doon nagtrabaho; kaya pumunta ka sa kanya at babayaran ka niya.
Ito ang kahulugan ng, "ni hindi ka man nagpagod mismo tungkol sa Akin, O Israel." Ito ay nangangahulugan na ang tao na nagtrabaho para sa Lumikha ay walang trabaho, kundi sa kabaligtaran, kasiyahan at masiglang espiritu.
Gayon pa man, ang taong magtrabaho para sa ibang mga layunin ay hindi makakarating sa Lumikha na mayroong mga reklamo na ang Lumikha ay hindi nagbigay sa kanya ng sigla sa gawain, dahil hindi siya nagtrabaho para sa Lumikha, para bayaran siya ng Panginoon sa kanyang trabaho. Sa halip, ang tao ay maaaring magreklamo doon sa mga tao na pinagtatrabahoan niya na bigyan siya ng kasiyahan at sigla.
At dahil mayroong maraming layunin sa Lo Lishma, ang tao ay dapat maghingi ng layunin sa alin mang tinatrabaho niya para mabigyan siya ng gantimpala, na ang sumusunod, kasiyahan at sigla. Ito ay sinabi tungkol sa kanila, "Sila na gumawa nila ay maging katulad nila; oo, bawa't isa na may tiwala sa kanila."
Gayon pa man, ayon doon, ito ay nakakalito. Pagkatapos sa lahat, makita natin na kahit kung kunin sa sarili ang bigat ng Kaharian ng Langit na walang ibang intensyon, siya ay hindi pa rin makadama ng anumang sigla, sabihin na ang siglang ito ay namilit sa kanya na kunin sa sarili ang bigat ng Kaharian ng Langit. At ang dahilan na kunin sa kanyang sarili ang bigat ng Kaharian ng Langit ay dahil lamang sa pananalig na nangingibabaw sa rason.
Sa ibang mga salita, gawin ito ng tao sa pamamagitan ng pamimilit na pangingibabaw sa pagsubok, hindi sa kusang-loob. Kaya, maaari nating tanungin: Bakit madama ng tao ang pagbuhos ng lakas sa gawaing ito, na ang katawan ay palaging naghahanap ng panahon kailan maaalis nito ang gawaing ito, gaya na hindi madama ng tao ang anuang sigla sa gawain? Ayon sa itaas, kung ang tao ay magtrabaho sa pagpapakumbaba, at mayroon lamang layuning magtrabaho para magkaloob, bakit hindi siya binahaginan ng Lumikha ng lasa at sigla sa gawain?
Ang sagot ay dapat nating malaman na ang bagay na ito ay dakilang pagwawasto. Kung hindi para doon, ibig sabihin kung ang Liwanag at sigla ay nagliwanag ng madalian kung kailan ang tao ay nagsimulang kunin sa kanyang sarili ang bigat ng Kaharian ng Langit, ang tao dapat ay nagkaroon ng sigla sa gawain. Sa ibang mga salita, ang hangaring tumanggap, din, ay sasang-ayon sa gawaing ito.
Sa kalagayang iyon siya ay tiyak na sasang-ayon dahil gusto niyang busugin ang kanyang hangarin, ibig sabihin siya ay tatrabaho para sa sariling benepisyo nito, Kung iyon ang naging kaso, hindi maging posible ang pagtamo ng Lishma.
Ito ay ganito dahil ang tao ay mapipilitan na magtrabaho para sa kanyang sariling kapakanan, gaya na madama ng tao ang lalong dakilang kasiyahan sa gawain ng Panginoon kaysa makalupang mga hangarin. Kaya, dapat ang tao ay mananatili sa Lo Lishma, dahil sa gayon siya ay magkakaroon ng kasiyahan sa gawain. Kung saan may kasiyahan, ang tao ay hindi makakagawa ng anumang bagay, gaya ng walang pakinabang, ang tao ay hindi magtatrabaho. Ito ay magresulta na kung ang tao ay makatanggap ng kasiyahan sa gawaing ito ng Lo Lishma, ang tao ay dapat mananatili sa kalagayang iyon.
Ito ay maging katulad sa sinabi ng mga tao, na sa panahong mayroong mga taong naghabol ng magnanakaw para hulihin ito, ang magnanakaw, din, ay tumakbo at nagsigaw, "Hulihin ang magnanakaw." Kaya, imposibleng makilala sino ang tunay na magnanakaw para hulihin siya at kunin ang bagay na ninakaw sa kanyang mga kamay.
Gayon pa man, nang ang magnanakaw, ibig sabihin ang hangaring tumanggap, ay hindi makadama ng anumang lasa at sigla sa gawaing tanggapin ang bigat ng Kaharian ng Langit, kung sa kalagayang iyon ang tao ay magtrabaho taglay ang pananalig na nangingibabaw sa rason, sa pilitan, at ang katawan ay maging sanay sa trabahong ito laban sa hangarin ng taong tumanggap, kung gayon ang tao ay mayroong pamaraan na darating sa trabaho na maging sa layuning magdala ng kasiyahan sa kanyang Lumikha.
Ito ay ganito dahil ang pangunahing kinakailangan mula sa tao ay ang makarating sa Dvekut (debosyon) sa Lumikha sa pamamagitan ng kanyang trabaho, na isinaalang-alang na pagkapareho ng anyo, kung saan ang lahat ng kanyang mga gawain ay upang magkaloob.
Ito ay gaya ng sinabi ng talata, "Kung gayon ikaw mismo ay masiyahan sa Panginoon." Ang kahululugan ng "Kung gayon" ay na sa una, sa simula ng kanyang trabaho, siya ay walang kagalakan. Sa halip, ang kanyang trabaho ay sa pilitan.
Gayon pa man, pagkatapos, nang ang tao ay nasanay na sa sarili niya na magtrabaho para magkaloob, at hindi susuriin ang kanyang sarili—kung makatikim siya ng magandang lasa sa gawain—pero maniwala na siya ay magtrabahong para bigyang kasiyahan ang kanyang Lumikha sa pamamagitan ng kanyang trabaho, siya ay dapat maniwala na ang Lumikha ay tumanggap ng gawain ng mga lalong mababang tao na hindi umaalintana na paano at gaano karami ang anyo ng kanilang gawain. Sa lahat ng bagay, ang Lumikha ay sumusuri ng intensyon, at iyon ang magbigay ng kasiyahan sa Lumikha. Kaya ang tao ay binahaginan, "Kung gayon ikaw mismo ay masiyahan sa Panginoon."
Kahit sa panahon ng gawain sa Panginoon siya ay makakadama ng kaligayahan at kasiyahan, dahil sa ngayon ang tao ay talagang magtrabaho para sa Lumikha sapagkat ang pagpupunyagi na kanyang ginawa sa panahon ng pilitang trabaho ay pumasa ng tao na makakagawa ng trabaho para sa Lumikha sa seryoso. Ikaw ay makakita na sa gayon, din, ang kaligayahan na matanggap ng tao ay naiugnay sa Lumikha, ibig sabihin natatanging para sa Lumikha.