Aklat na Shamati, Sanaysay # 6
Aking narinig sa 1944
Kung ang tao ay mag-aral ng Torah at gustong ang lahat ng kanyang mga gawain ay maging para magkaloob, kailangan ng tao na subukang palaging mayroong suporta na nasa Torah. Suporta ay isinaalang-alang na pagkain, iyon ay ang pag-ibig, takot, kagalakan, at kabaguhan at iba pa. At dapat ay katasin ang lahat na iyon mula sa Torah. Sa ibang mga salita, ang Torah ay dapat magbigay ng isa sa mga resultang ito.
Gayon pa man, kung ang tao ay mag-aral ng Torah at wala ang mga resultang ito, ito ay hindi isinaalang-alang na Torah. Dahil ang Torah ay tumutukoy sa Liwanag na nagbihis na nasa Torah, ibig sabihin, gaya ng sinabi ng ating mga taong paham, "Aking nilikha ang masamang inklinasyon, Aking nilikha ang Torah bilang panimpla." Ito ay tumutukoy sa Liwanag na nasa loob nito, dahil ang Liwanag na nasa loob nito ay magsasaayos nito.
Dapat nating malaman na ang Torah ay binahagi sa dalawang pag-unawa: 1-Torah, 2-Mitzva. Sa totoo lang, imposibleng maunawaan ang dalawang pag-unawang ito bago ang tao ay pagkalooban na humakbang sa daan ng Panginoon sa pamamagitan ng "Ang payo ng Panginoon ay nasa kanila na natakot sa Kanya." Ito ay ganito dahil kung ang tao ay nasa kalagayan ng paghahanda na makapasok sa Palasyo ng Panginoon, imposibleng maunawaan ang Daan ng Katotohanan.
Gayon pa man, posibleng magbigay ng halimbawa na kahit ang tao na nasa panahon ng paghahanda ay maaaring makaunawa. Gaya ng sinabi ng ating mga taong paham Sutah 21): "Sinabi ni Rabbi Yosef, 'Ang Mitzva ay magprotekta at magligtas habang isaugali, at iba pa... Ang Torah ay magprotekta at magligtas pareho kung isaugali at kung hindi isaugali. '''
Ang bagay ay na "kung isaugali" ay tumutukoy sa panahong ang tao ay mayroong mangilan-ngilang Liwanag. Magagamit niya ang Liwanag na ito na kanyang natamo sa panahon lamang na ang Liwanag ay nandoon pa sa kanya, habang sa ngayon siya ay nasa kagalakan dahil sa Liwanag na lumiwanag para sa kanya. Ito ay mapagwariwari gaya ng Mitzva, ibig sabihin na siya ay hindi pa pinagkalooban ng Torah, kundi magtamo ng buhay ng Kedusha (Kabanalan) mula sa Liwanag lamang.
Ito ay hindi ganito sa Torah: kung matamo ng tao ang ilang daan sa gawain, magagamit ng tao ang daan na kanyang natamo kahit hindi niya ito isaugali, iyon nga, kahit na ang tao ay hindi magkaroon ng Liwanag. Ito ay dahil ang luminesensya lamang ang lumisan sa kanya, samantalang magagamit ng tao ang daan na kanyang natamo sa gawain kahit na ang luminesensya ay lumisan sa kanya.
Gayon pa man, dapat ding malaman ng tao na habang isinaugali, ang Mitzva ay mas dakila kaysa sa Torah na hindi isinaugali. Kung isinaugali ay nangangahulugan na ngayon na matanggap ng tao ang Liwanag; ito ay tinawag na "isinaugali," kung matanggap ng tao ang Liwanag nito.
Kaya, habang ang tao ay mayroong Liwanag, ang Mitzva ay mas importante kaysa Torah kung ang tao ay walang Liwanag, ibig sabihin kung walang kagalakan sa Torah. Sa isang panig, ang Torah ay importante dahil magagamit ng tao ang daan na kanyang natamo sa Torah. Sa kabilang panig, ito ay walang kagalakan, tinawag na "Liwanag." Sa panahon ng Mitzva matatanggap ng tao ang kagalakan, tinawag na "Liwanag." Kung kaya, sa bagay na ito, ang Mitzva ay mas importante.
Kaya, kung ang tao ay walang pagkain, ang tao ay isinaalang-alang na "masama." Dahil ngayon hindi masasabi ng tao na ang Lumikha ay namumuno ng mundo sa pag-uugaling "Mabuti na Gumagawa ng Mabuti." Ito ay tinawag na siya ay tinawag na "masama," dahil tinuligsa niya ang kanyang Lumikha, nang sa ganoon siya ngayon ay hindi makakadama ng kasiglahan, at walang bagay na makakasaya para masasabi niya na ngayon siya ay maghahandog ng pagpapasalamat sa Lumikha na binigyan siya ng kaligayahan at kasiyahan.
Hindi masasabi ng tao na siya ay naniniwala na ang Lumikha ay namumuno sa Kanyang Kalooban sa iba sa mapagkawanggawa na paraan, dahil maiintindihan natin na ang daan ng Torah ay gaya ng sensasyon ng mga organo. Kung ang tao ay hindi makadama ng kaligayahan at kasiyahan, ano ang mabibigay nito sa kanya na ang ibang tao ay mayroong kaligayahan at kasiyahan?
Kung ang tao ay talagang naniwala na ang Maykapal ay ibinunyag na kagandahang-loob sa kanyang kaibigan, ang paniniwalang iyon ay dapat nagdala ng tao ng kaligayahan at kasiyahan mula sa paniniwalang ang Lumikha ay namumuno sa mundo sa patnubay ng kaligayahan at kasiyahan. Kung ito ay hindi magdala ng tao sa kasiglahan at ligaya, ano ang benepisyo sa pagsasabing ang Lumikha ay talagang nagbantay sa kanyang kaibigan sa patnubay ng kagandahang-loob?
Ang pinakaimportante ay ang ano ang madama ng tao sa kanyang sariling katawan—kung ang tao ay makadama ng mabuti o masama. Ang tao ay maaliw sa kasiyahan ng kanyang kaibigan kung siya ay maaliw sa benepisyo ng kanyang kaibigan lamang. Sa ibang mga salita, malalaman natin na sa sensasyon ng katawan, ang mga dahilan ay hindi importante. Ito ay maging importante lamang kung ang tao ay makadama ng mabuti.
Sa kalagayang iyon masasabi ng tao na ang Lumikha ay "Mabuti na Gumagawa ng Mabuti." Kung ang tao ay makadama ng masama, hindi masasabi ng tao na ang Lumikha ay umaasal sa kanya sa mapagkawang-gawa na paraan. Kaya, kung talagang ang tao ay maaaliw sa kaligayahan ng kanyang kaibigan at makakatanggap ng kataasan ng espirito buhat doon, at makakadama ng kagalakan dahil ang kanyang kaibigan ay nakadama ng mabuti, sa gayon masasabi niya na ang Lumikha ay mabuting pinuno.
Kung ang tao ay walang ligaya, siya ay makadama ng masama. Kaya, paano niya masasabi na ang Lumikha ay mapagkawang-gawa? Sa gayon, ang kalagayan kung saan ang tao ay walang kagalakan at kaligayahan ay nasa kalagayan na kung saan siya ay walang pag-ibig sa Lumikha at kakayahang pangatwiranan ang kanyang Lumikha at maging masaya, gaya nang nararapat sa taong pinakaloobang maglingkod sa dakila at importanteng hari.
Dapat nating malaman na ang Lalong Mataas na Liwanag ay nasa kalagayan ng kompletong kawalan ng galaw. At ang anumang paglaganap ng mga Banal na Pangalan ay nangyayari sa mga lalong mababa. Sa ibang mga salita, lahat ng mga pangalan na mayron ang Lalong Mataas na Liwanag, ay nanggaling sa pagtatamo ng mga lalong mababa. Ibig sabihin na ang Lalong Mataas na Liwanag ay pinangalanan ayon sa kanilang mga pagtatamo. Sa ibang pagkasabi, pinangalanan ng tao ang Lalong Mataas na Liwanag ayon sa paraan ng kanyang pagtatamo nito, ibig sabihin ayon sa kanyang sensasyon.
Kung ang tao ay hindi makadama na ang Lumikha ay nagbigay sa kanya ng anumang bagay, anong pangalan ang mabibigay niya sa Lumikha kung wala siyang natanggap na anumang bagay mula sa Kanya? Sa isang punto, kung ang tao ay maniniwala sa Lumikha, bawa't kalagayan na kanyang madama, masasabi niya na ito ay nanggagaling sa Lumikha. Sa kalagayang iyon pinangalanan ng tao ang Lumikha ayon sa kanyang karamdaman.
Kung ang tao ay makadama ng kaligayan sa kalagayang kinalalagyan niya, masasabi niya na ang Lumikha ay tinawag na "Mapagkawang-gawa," dahil iyon ang kanyang nadama, na nakatanggap siya ng mabuti mula sa Kanya. Sa kalagayang iyon ang tao ay tinawag na Tzadik (Matuwid at Makatuwiran), dahil Matzdik niya (pinangatwiranan) ang kanyang Lumikha.
Kung ang tao ay makadama ng masama sa kalagayang kinalalagyan niya, hindi niya masasabi na ang Lumikha ay nagpapadala sa kanya ng mabuti. Kaya, sa kalagayang iyon ang tao ay tinawag na Rasha (Masama), dahil Marshia niya (tinutuligsa) ang kanyang Lumikha.
Subali't, walang ganong bagay na gaya na nasa pagitan, kung sasabihin ng tao na nadadama niya pareho ang mabuti at masama sa kanyang kalagayan. Sa halip, alin man sa dalawa ang tao ay masama o hindi masama.
Sinulat ng ating mga taong paham (Berachot 61): "Ang mundo ay hindi nilkha at iba pa kundi para sa talagang masama, o para sa talagang matuwid at makatuwiran." Ito ay dahil walang ganoong katotohanan kung saan madadama ng tao ang mabuti at masama na sama-sama.
Nang sabihin ng ating mga taong paham na mayroong nasa pagitan, ito ay sa mga nilikha, na mayroong pag-uunawa ng oras, masasabi mo na nasa pagitan, sa dalawang panahon, magkasunod, gaya ng alam natin na mayroong bagay ng mga pag-akyat at mga pagbaba. Ito ay dalawang panahon: noon siya ay masama, at noon siya ay matuwid at makatuwiran. Pero sa isang saglit, na dapat madama ng tao ang mabuti at masama na magkasabay, ito ay hindi umiiral.
Maintindihan natin nang sabihin nila na ang Torah ay lalong importante kaysa sa Mitzva, ito ay talagang sa panahong ito ay hindi isinaugali, ibig sabihin sa panahong ang tao ay walang kagalakan. Kung gayon ang Torah ay lalong importante kaysa sa Mitzva, na walang kagalakan.
Ito ay ganito dahil hindi matatanggap ng tao ang anumang bagay mula sa Mitzva, na walang kagalakan. Pero sa Torah, ang tao ay mayroon pa ring daan sa gawain buhat sa natanggap niya habang isinaugali niya ang Torah. Kahit na ang kagalakan ay lumisan, ang daan ay nanatili sa kanya at magagamit niya ito. Mayroong panahon na ang Mitzva ay lalong importante kaysa sa Torah, ibig sabihin sa panahong may kagalakan sa Mitzva at walang kagalakan sa Torah.
Kung kaya, sa panahong hindi isinaugali, ibig sabihin sa panahong ang tao ay walang kagalakan at saya sa gawain, ang tao ay walang ibang tagapayo kundi ang panalangin. Subali't, sa panahon ng panalangin dapat malaman ng tao na siya ay masama dahil hindi niya madama ang kaligayahan at kasiyahan sa mundo, kahit na gumagawa siya ng mga kalkulasyon na siya ay maniniwala na ang Lumikha ay magbibigay ng mabuti lamang.
Kahit na, hindi lahat ng mga isip ng tao, kung mayron man siya, ay totoo sa daan ng gawain. Sa gawain, kung ang isip ay magdadala sa pagkilos, ibig sabihin ang sensasyon ng mga organo, upang ang mga organo ay makadama na ang Lumikha ay mapagkawang-gawa, dapat matanggap ng mga organo ang kagalakan at saya mula nito. Kung ang tao ay walang kagalakan, anong gamit ng mga kalkulasyon kung ngayon ang mga organo ay hindi umiibig sa Lumikha dahil pinagkalooban Niya sila ng kasaganaan?
Kaya dapat malaman ng tao na kung ang tao ay walang kagalakan at saya sa gawain, ito ay palatandaan na siya ay masama, dahil siya ay hindi maligaya. Lahat ng mga kalkulasyon ay hindi totoo kung ito ay hindi magresulta ng pagkilos, ibig sabihin sa sensasyon ng mga organo na ang tao ay umiibig sa Lumikha dahil Siya ay nagkaloob ng ligaya at kasiyahan sa mga nilikha.