Aklat na Shamati, Sanaysay # 7
Aking narinig sa 1943
Sa pamamagitan ng pagsasanay ng sarili sa ilang bagay, ang bagay na iyon ay magiging pangalawang kalikasan para sa taong iyon. Kaya, walang bagay na na ang katotohanan nito ay hindi madama ng tao. Ito ay nangangahulugan na kahit ang tao ay walang karamdaman sa bagay, gayon pa man, siya ay makarating sa pagdamdam nito sa pamamagitan ng pagsasanay sa bagay na iyon.
Dapat nating malaman na mayroong kaibahan sa pagitan ng Lumikha at ng mga nilalang tungkol sa mga karamdaman. Para sa mga nilalang mayroong dumadama at nadama, ang natamo at ang natatamo. Ito ay nangangahulugan na mayroon tayong dumadama na nai-ugnay sa alin mang katotohanan.
Ganoon pa man, ang katotohanan na walang dumadama ay ang Lumikha Mismo lamang. Sa Kanya, "walang isip at panghulo alin man." Ito ay hindi ganoon sa tao; ang kanyang buong pag-iiral ay sa pamamagitan lamang sa pakiramdam ng katotohanan.
Sa ibang mga salita, kung ano ang natikman ng tumikim ay iyon ang isinaalang-alang niya na katotohanan. Kung matikman ng tao ang mapait na lasa sa katotohanan, ibig sabihin siya ay nakadama ng masama sa kalagayang kanyang kinalalagyan, at nagdusa dahil sa kalagayang iyon, ang taong iyon ay isinaalang-alang na masama sa gawain. Ito ay sapagkat tinuligsa niya ang Lumikha, dahil Siya ay tinawag na "Mapagkawanggawa," sapagkat Siya ay nagkaloob ng kabutihan lamang sa mundo. Nguni't, tungkol sa pakiramdam ng taong iyon, ang tao ay nakadama na siya ay nakatanggap ng salungat buhat sa Lumikha, nangangahulugan na ang kalagayang kanyang kinalalagyan ay masama.
Dapat natin samakatuwid intindihin ang sinabi ng ating mga taong paham (Berachot 61), "Ang mundo ay hindi nilikha kundi para sa lubos na masama o para sa lubos na mabuti." Ito ay nangangahulugan ng mga sumusunod: Alin man sa dalawa, ang tao ay makatikim at makadama ng mabuting lasa sa mundo at saka magbigay ng katuwiran sa Lumikha at magsabi na ang Panginoon ay magbigay ng kabutihan lamang sa mundo o kung ang tao ay makadama at makatikim ng mapait na lasa sa mundo sa gayon ang tao ay masama. Ito ay ganito dahil ang tao ay tumuligsa ng Lumikha.
Ito ay magresulta na ang lahat ay sinukat ayon sa pakiramdam ng tao. Subali't, ang lahat na mga pakiramdam na ito ay walang kaugnayan sa Lumikha, gaya ng sinasabi sa "Poem of Unification," ("Tula ng Pagkakaisa)," "Tulad niya, ganoon ka rin palagi, ang kakulangan at labis sa iyo ay hindi maaari." Kaya, lahat ng mundo at lahat ng pagbabago ay tungkol lamang sa mga tumatanggap, gaya ng matamo sila ng tao.