kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Kaibahan sa Pagitan ng Lilim ng Kedusha at ng Lilim ng Sitra Achra

Aklat na Shamati, Sanaysay # 8
Aking narinig sa Tamuz, Hulyo 1944

Ito ay isinulat (Awit ng mga Awit, 2), "Hanggang sa ang araw ay humihinga, at ang mga lilim ay lumayo." Dapat nating maintindihan ano ang mga lilim sa gawain at ano ang dalawang lilim. Ang bagay ay sa panahong ang tao ay hindi makakadama ng Kanyang Kalooban, na Siya ay namumuno sa mundo sa paraang ang "Mabuti na gumagawa ng mabuti," ito ay isinaalang-alang na tulad ng anino na tumatakip sa araw.

Sa ibang mga salita, gaya ng makamundong anino na tumatakip sa araw ay hindi binabago ang araw sa anumang paraan, at ang araw ay lumiliwanag sa kanyang buong lakas, ganoon ang taong hindi makakadama ng pag-iiral ng Kanyang Kalooban ay hindi makapagdulot ng anumang pagbabago sa Itaas. Wari, walang pagbabago sa Itaas, gaya ng isinulat, "Ako ang Panginoon ay hindi magbabago."

Sa halip, lahat ng mga pagbabago ay nasa mga tumatanggap. Dapat nating pansinin ang dalawang pag-uunawa sa lilim na ito, ibig sabihin sa pagkatagong ito:

1.   Kung ang tao ay mayroon pa ring kakayahan na mapangibabawan ang kadiliman at ang mga pagkatago na kanyang madadama, pangatwiranan ang Lumikha at manalangin sa Lumikha, na bubuksan ng Lumikha ang kanyang mga mata para makita na ang lahat na mga pagkakatago na kanyang madadama ay nanggaling sa Lumikha, nangangahulugang itong lahat ay ginawa ng Lumikha sa tao para makita ng tao ang kanyang panalangin at maghangad na kumapit sa Kanya. Ito ay ganoon dahil sa pamamagitan lamang ng pighati na matanggap ng tao buhat sa Lumikha, magnais na makatiwalag mula sa mga gulo at tumakas sa mga pahirap, kung gayon ang tao ay gumagawa ng lahat na kanyang makakaya. Kaya, kung tanggapin ang mga pagkatago at dalamhati, ang tao ay tiyak na makagawa ng kilalang lunas, gagawa ng napakaraming panalangin na ang Lumikha ay tutulong sa kanya at iadya siya mula sa kalagayang kanyang kinalalagyan. Sa kalagayang iyon, ang tao ay naniniwala pa rin sa Kanyang Kalooban.

2.   Kung ang tao ay darating sa kalagayang hindi na niya mapangingibabawan pa at sabihing ang lahat na mga pighati at paghihirap na madadama ng tao ay dahil ang mga ito ay pinadala ng Lumikha sa tao para magkaroon ng rason na umakyat sa antas, ang tao ay dumating sa kalagayan ng heresiya. Ito ay dahil ang tao ay hindi makapaniwala sa Kanyang Kalooban at natural na ang tao ay hindi makapanalangin.

Makita natin na mayroong dalawang uri ng anino, at ito ang kahulugan ng, "at ang mga anino ay lumayo,"  nangangahulugan na ang mga anino ay lalayo mula sa mundo.

Ang lilim ng Klipa (Balat) ay tinawag "Ibang diyos ay baog at hindi makapagbigay ng bunga." Sa Kedusha (Kabanalan), samakatuwid, ito ay tinawag, "Sa ilalim ng kanyang anino ako ay nalulugod maupo, at ang kanyang bunga ay matamis sa aking panlasa." Sa ibang mga salita, ang tao ay magsasabi na ang lahat na mga pagkakatago at mga pighati na kanyang madadama ay dahil pinadalhan siya ng Lumikha ng mga kalagayang ito para mayroon siyang lugar na gumawa sa ibabaw ng rason.

Kung ang tao ay mayroong lakas na sabihin iyon, iyon nga, na ang Lumikha ang nagdulot sa kanya ng lahat na iyon, ito ay sa kanyang kapakanan. Ito ay mangangahulugan na sa pamamagitang iyon ang tao ay makakarating sa paggawa para magkaloob at hindi para sa kanyang sarili. Sa panahong iyon ang tao ay makakarating sa kamalayan, mangangahulugang maniniwala na ang Lumikha ay maaaliw talagang sa gawaing ito, na kabuuang itinatag sa ibabaw ng rason.

Maintindihan natin na ang tao ay hindi manalangin sa Lumikha na ang mga anino ay lalayo mula sa mundo. Bagkus, ang tao ay magsasabi, "Aking makita na ang Lumikha ay gustong ako ay maglingkod sa Kanya sa paraang ito, talagang sa ibabaw ng rason." Kaya, sa lahat ng bagay na gagawin ng tao, siya ay magsasabi, "Siyempre ang Lumikha ay maaaliw sa gawaing ito, sa gayon bakit ako mangangamba kung ako ay gumawa sa kalagayan ng pagkatago ng mukha?"

Dahil ang tao ay gustong gumawa para magkaloob, ibig sabihin na ang Lumikha ay maaaliw, siya ay walang pagkapahiya mula sa gawaing ito, ibig sabihin sensasyon na siya ay nasa kalagayan ng pagkatago ng Mukha, na ang Lumikha ay hindi maaliw sa gawaing ito. Sa halip, ang tao ay sumasang-ayon sa pamumuno ng Lumikha, ibig sabihin kahit paanong ang Lumikha ay gustong ang tao ay makadama ng pag-iiral ng Lumikha sa panahon ng gawain, ang tao ay sumasang-ayon sa buong puso. Ito ay ganito dahil hindi isinaalang-alang ng tao ano ang makakaligaya sa kanya, kundi isinaalang-alang kung ano ang makakaligaya ng Lumikha. Kaya ang lilim na ito ay magbigay sa kanya ng buhay.

Ito ay tinawag, "Sa ilalim ng kanyang anino ako nalulugod," ibig sabihin ang tao ay magnanasa sa ganoong kalagayan kung saan ang tao ay makakagawa ng ilang pangingibabaw sa rason. Kaya, kung ang tao ay hindi magbuhos ng lakas sa kalagayan ng pagkatago, na mayroon pang lugar para manalangin sa Lumikha na dadalhin siya lalong malapit sa Kanya, at siya ay pabaya sa iyon, kaya siya ay pinadalhan ng pangalawang pagkatago kung alin ang tao ay hindi kahit makakapanalangin. Para sa rason na ito ang tao ay makakarating sa kalagayan sa gayong kababaang-loob.

Subali't, pagkatapos ang tao ay makarating sa kalagayang iyon, ang tao ay samakatuwid kinaaawaan mula sa Itaas, at muli ang tao ay bibigyan  ng pagkapukaw mula sa Itaas. Ang parehong  pagkakasunod-sunod ay panibagong magsisimula hanggang sa wakas ang tao ay lumalakas sa panalangin, at ang Lumikha ay makikinig sa kanyang panalangin, at magdadala sa kanya palapit at babaguhin ito.