Aklat na Shamati, Sanaysay # 9
Aking narinig sa Elul, Agosto 1942
Iniinterpreta ng Banal na Zohar ang sinulat ng ating mga taong paham: "Tatlong bagay na makapagpalawak sa isip ng tao. Ito ay, ang magandang babae, magandang tahanan, at magandang Kelim (mga Sisidlan)." Sinasabi nito, "ang magandang babae, ito ay ang Banal na Shechina (Dibinidad). Ang magandang tahanan, ito ay ang puso ng tao; at magandang Kelim, ito ay ang mga organo ng tao.
Dapat nating ipaliwanag na ang Banal na Shechina ay hindi makapagpakita sa kanyang tunay na anyo, iyon ay ang kalagayan ng kabutihan at kagandahan, maliban sa kung ang tao ay mayroong magandang Kelim, iyon ay ang mga organo, na matanggap mula sa puso. Ibig sabihin na dapat dalisayin muna ng tao ang kanyang puso na maging magandang tahanan sa pamamagitann ng pagkansela ng hangaring tumanggap para sa sarili at sanayin ang sarili na gumawa kung saan lahat ng kanyang mga pagkilos ay maging para magkaloob lamang.
Mula dito umabot ang magandang Kelim, ibig sabihin ang mga hangarin ng tao, tinawag Kelim, ay magiging malinis mula sa pagtanggap para sa sarili. Bagkus, sila ay magiging dalisay, isinaalang-alang gaya ng pagkaloob.
Subali't, kung ang tahanan ay hindi maganda, ang Lumikha ay magsasabi, "siya at Ako ay hindi maaaring manirahan sa parehong tahanan." Ito ay dahil dapat mayroong pagkapareho ng anyo sa pagitan ng Liwanag at ng Kli (Sisidlan). Kung kaya, kung angkinin ng tao sa kanyang sarili ang paniniwala sa kadalisayan, kapwa sa isip at sa puso, ang tao ay pagkalooban ng magandang babae, ibig sabihin ang Banal na Shechina ay magpapakita sa kanya sa anyo ng kabutihan at kagandahan, at ito ay makapagpalawak sa kanyang isip.
Sa ibang mga salita, sa pamamagitan ng kasiyahan at kagalakan na madadama ng tao, ang Banal na Shechina ay magpapakita sa loob ng mga organo, pinupuno ang panlabas at panloob na Kelim. Ito ay tinawag na "pagpapalawak ng isip."
Ang pagtatamo diyan ay sa pamamagitan ng inggit, libog, at dangal, na siyang magdadala ng tao sa labas ng mundo. Inggit ibig sabihin sa pamamagitan ng inggit sa Banal na Shechina, isinaalang-alang gaya ng sigla sa "Ang sigla ng Panginoon ng mga kawan." Dangal ibig sabihin na ang tao ay gustong dagdagan ang kaluwalhatian ng langit, at libog ay sa pamamagitan ng "Pinakinggan Mo ang hangarin ng mapagkumbaba."