kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Diwa ng Gawain ng Tao

Aklat na Shamati, Sanaysay # 12
Aking narinig sa panahon ng kainan sa pangalawang araw ng Rosh Hashana, Oktubre 5, 1948

Ang diwa ng gawain ng tao ay dapat papaano makarating sa pagtikim ng lasa sa pagkaloob ng kasiyahan sa kanyang Lumikha, dahil lahat na ginagawa ng tao para sa kanyang sarili ay nagdidistansya sa kanya mula sa Lumikha, dahil sa hindi pagkakapareho ng anyo. Subali't, kung ang tao ay gumagawa ng gawaing makapagbigay-pala sa Lumikha, kahit ang pinakamaliit na gawain, ito ay isinaalang-alang na Mitzva (kautusan/patakaran).

Kaya, ang pangunahing pagbubuhos ng lakas ng tao ay dapat para matamo ang lakas na makatikim ng lasa sa pagkaloob, sa pamamagitan ng pagbabawas ng lakas na makatikim ng lasa sa pagtanggap para sa sarili. Sa kalagayang iyon ang tao ay unti-unting makakatamo ng lasa ng pagkaloob.