Aklat na Shamati, Sanaysay # 13
Aking narinig sa panahon ng kainan sa pangalawang gabi ng Rosh HaShana, Oktubre 5, 1948
Granada, sabi niya, ay magpapahiwatig sa kung anong sinabi ng ating mga taong paham, "Kahit ang taong walang kabuluhan na kasama ninyo ay puno ng Mitzvot katulad ng granada" ( Iruvin 19). Sabi niya, Rimon (Granada) ay nanggagaling sa salitang Romemut (Kadakilaan), na ibabaw sa rason. At ang kahulugan ay magiging "Ang taong walang kabuluhan na kasama ninyo ay puno ng Mitzvot." Ang panukat ng kapunuan ay kung gaano kalakas ang tao makapangibabaw sa rason, at ito ay tinawag na Romemut.
Mayroon lamang kahungkagan sa lugar sa kung saan ay walang pag-iiral, gaya ng sinulat, ''binitin ang daigdig sa kabila ng kawalan." Makita mo na kung ano ang panukat ng kapunuan, sa hungkag na lugar? Ang sagot ay, ayon sa pag-aangat ng tao ng kanyang sarili sa ibabaw ng rason.
Ito ay nangangahulugan na ang kahungkagan ay dapat punuin ng kadakilaan, ibig sabihin ng ibabaw sa rason, at hingiin sa Lumikha na ibigay sa tao ang lakas na iyon. Ito ay mangangahulugan na lahat ng mga kahungkagan ay nilikha, ibig sabihin ito ay dumadating sa tao para makadama sa ganoon, na siya ay hungkag, para punuin ito ng Romemut ng Lumikha. Sa ibang mga salita, dalhin ng tao ang lahat ng bagay sa ibabaw ng rason.
At ito ang kahulugan ng, "at ito ay ginawa ng Panginoon, na ang mga tao ay dapat matakot sa Kanyang harapan." Ito ay nangangahulugan na ang mga pag-iisip na ito ng kahungkagan ay darating sa tao para ang tao ay magkaroon ng pangangailangan na tanggapin sa kanyang sarili ang paniniwala sa ibabaw ng rason. At para doon kailangan natin ang tulong ng Panginoon. Maintindihan natin na sa panahong iyon ang tao ay dapat humingi sa Lumikha na bigyan siya ng lakas na maniwala sa ibabaw ng rason.
Ito ay magresulta na talagang sa ganoon na ang tao ay mangangailangan ng Lumikha na tulungan siya, dahil hinayaan siya ng kanyang panlabas na talino na makaunawa ng salungat. Kaya, ang tao ay walang ibang payo kundi humingi sa Lumikha na tulungan siya.
Ito ay sinabi tungkol diyan, "Ang hangarin ng tao ay mananaig sa kanya araw-araw; at kung hindi para sa Lumikha, ang tao ay hindi mamayani." Kaya, sa ganoong kalagayan lamang kung kailan ang tao ay makakaunawa na walang ibang makakatulong sa kanya kundi ang Lumikha. At ito ang "at ito ay ginawa ng Panginoon, na ang mga tao ay dapat matakot sa Kanyang harapan." Ang bagay ng takot ay isinaalang-alang na paniniwala, at sa ganoon lamang ang tao ay mangangailangan ng kaligtasan sa Lumikha.