kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ano ang Kadakilaan ng Lumikha

Aklat na Shamati, Sanaysay # 14
Aking narinig sa 1948

Ang Romemut (kadakilaan/kalakihan) ng Lumikha ay nangangahulugan na dapat humingi ang tao sa Lumikha para sa lakas na makapangibabaw sa rason. Ito ay nangangahulugan na mayroong dalawang interpretasyon sa kadakilaan ng Lumikha:

A. Para hindi mapuno ng kaalaman, iyon ay ang talino, na masasagot ng tao ang kanyang mga tanong. Sa halip, gusto ng tao na ang Lumikha ang sasagot sa kanyang mga tanong. Ito ay tinawag na Romemut dahil lahat ng kaalaman ay galing sa Itaas at hindi galing sa tao, nangangahulugan na masasagot ng tao ang kanyang sariling mga tanong.

Anumang bagay na masasagot ng tao ay isinaalang-alang na pagsasagot sa lahat ng bagay sa panlabas na talino. Ito ay nangangahulugan na ang hangaring tumanggap ay nakakaunawa na kapaki-pakinabang ang pagpunyagi sa Torah at Mitzvot. Subali't, kung ang pangingibabaw sa rason ay magpilit ng tao para kumilos, ito ay tinawag na "laban sa opinyon ng hangaring tumanggap."

B. Ang kadakilaan ng Lumikha ay nangangahulugan na ang tao ay maging hikahos sa Lumikha para pagkalooban siya ng kanyang mga kagustuhan. Kung kaya:

Dapat ang tao ay pumaibabaw sa rason. Kaya makikita ng tao na siya ay walang kabuluhan, at bilang resulta ay maging hikahos sa Lumikha.

Ang Lumikha lamang ang makakapagbigay ng tao ng lakas na makapangingibabaw ng rason. Sa ibang mga salita, ano ang binibigay ng Lumikha ay tinawag  na, "Ang Romemut ng Lumikha."