kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ano ang Ibang mga Panginoon, sa Gawain

Aklat na Shamati, Sanaysay # 15
Aking narinig sa Av 24, Agosto 3, 1945

Isinulat, "Huwag kang magkaroon ng ibang mga panginoon sa harapan Ko." Ini-interpret ng Banal na Zohar na dapat mayroong mga bato para sa pagtimbang. Ito ay nagtatanong tungkol dito, paano ang gawain titimbangin sa mga bato, sa alin malalaman ng tao ang kanyang kalagayan sa mga paraan ng Panginoon? Sinasagot nito na ito ay malalaman kung ang tao ay magsimulang gumawa ng mahigit pa sa kanyang nakaugalian, ang katawan ay magsisimulang sumipa at tanggihan ang gawaing ito sa kanyang buong lakas.

Ito ay dahil, tungkol sa pagkaloob, ito ay karga at pabigat para sa katawan. Ito ay hindi makakatiis sa gawaing ito, at ang resistensya ng katawan ay lumilitaw sa tao sa anyo ng mga kakaibang pag-iisip. Ito ay dumarating at magtatanong ng mga tanong ng "sino" at "ano," at sa pamamagitan ng mga tanong na ito ang tao ay magsasabi na ang lahat ng mga tanong na ito ay talagang padala sa kanya ng Sitra Achra (ibang panig), para hadlangan siya sa gawain.

Ito ay magsasabi na kung sa panahong iyon ang tao ay magsasabi na sila ay nanggagaling sa Sitra Achra, ang tao ay sumusuway sa isinulat, "Huwag kang magkaroon ng ibang mga panginoon sa harapan Ko." Ang dahilan ay dapat ang tao ay maniwala na ito ay dumating sa kanya mula sa Banal na Shechina, dahil "Wala nang iba maliban sa Kanya." Sa halip, ipinakita ng Banal na Shechina sa tao ang kanyang tunay na kalagayan, paano ang tao ay lumalakad sa mga paraan ng Panginoon.

Ito ay nangangahulugan na sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng mga tanong na ito, tinawag na "mga kakaibang pag-iisip," iyon nga, sa pamamagitan ng mga kakaibang pag-iisip na ito makikita niya paano siya sumasagot sa mga tanong na itinuring na "mga kakaibang pag-iisip." At sa lahat na ito, dapat malaman ng tao ang kanyang tunay na kalagayan sa gawain para malaman niya kung ano ang kanyang gagawin.

Ito ay tulad ng talinghaga: Gustong malaman ng kaibigan gaano siya kamahal ng kanyang kaibigan. Siyempre, kung sa harapan, itinatago ng kanyang kaibigan ang kanyang sarili dahil sa hiya. Kaya, ang tao ay magpapadala ng ibang tao na magsasabi ng masama tungkol sa kanyang kaibigan. Sa ganoon makikita niya ang reaksyon ng kanyang kaibigan habang siya ay malayo sa kanyang kaibigan, at sa ganoon malalaman ng tao ang tunay na panukat ng pag-ibig ng kanyang kaibigan.

Ang aral ay sa panahong ang Banal na Shechina ay magpapakita ng kanyang mukha sa tao, ibig sabihin sa panahong ang Lumikha ay magbibigay ng kagalakan at saya sa tao, sa kalagayang iyon ang tao ay mahiyang magsabi kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa gawain ng pagkaloob at ng hindi pagtanggap ng anumang bagay para sa kanyang sarili. Subali't, sa panahong hindi ito kaharap, ibig sabihin sa panahong ang kagalakan at saya ay lumalamig, na isinaalang-alang na hindi ito kaharap, sa gayon makikita ng tao ang kanyang tunay na kalagayan tungkol sa para magkaloob.

Kung ang tao ay maniniwala na isinulat na wala nang iba maliban sa Kanya, at ang Lumikha ang magpapadala ng lahat ng mga kakaibang pag-iisip, ibig sabihin na Siya ang may-ari, talagang malalaman ng tao kung ano ang gagawin, at paano sasagutin ang lahat ng mga tanong. Parang Siya ay magpapadala ng mga mensahero para makita kung paano siya magsasabi ng paninirang-puri sa Kanya, sa Kanyang Kaharian ng Langit, at ito ang paraan paano natin maiinterpret ang bagay na nasa itaas.

Maiintindihan ng tao na, na ang lahat ng bagay ay nanggagaling sa Lumikha. Dahil ito ay napag-alaman na ang mga parusa na pinapalo ng katawan sa tao sa kanyang kakaibang mga pag-iisip, dahil hindi sila dumadating sa tao kung hindi siya mag-abala sa gawain, pero ang mga parusang ito na dumadating sa tao sa buong sensasyon, sa puntong ang mga pag-iisip na ito ay dudurog ng kanyang isip, sila ay darating partikular pagkatapos ipambungad ang Torah at gawain higit sa nakaugalian. Ito ay tinawag na mga bato para sa pagtimbang.

Ibig sabihin na ang mga batong ito ay mahulog sa isip ng tao kung ang tao ay gustong makaintindi ng mga tanong na ito. Pagkatapos, sa panahong gustong timbangin ng tao ang layunin ng kanyang gawain, kung ito ay talagang kapaki-pakinabang sa paggawa para magkaloob, gumawang kasama ang kanyang buong lakas at kaluluwa, at nang ang lahat ng kanyang mga hangarin ay maging sa pag-asa lamang na kung ano ang mayroon para matamo sa mundong ito ay sa layunin lamang ng kanyang gawain na magdala ng kasiyahan sa kanyang Lumikha, at hindi sa anumang makalupang bagay.

Sa panahong iyon magsisimula ang mapait na argumento, dahil makikita ng tao na mayroong argumento sa magkatuwang daan.  Ang mga sulatin ay nagbabala tungkol doon, "Huwag kang magkaroon ng ibang mga panginoon sa harapan Ko." Huwag mong sabihin na ang ibang panginoon ang nagbigay sa iyo ng mga bato para timbangin ang iyong mga gawain, kundi "sa harapan Ko."

Sa halip, dapat malaman ng tao na ito ay tinuring na "sa harapan Ko." Ito ay para makikita ng tao ang tunay na anyo ng basehan at ng pundasyon sa kung saan ang istruktura ng gawain ay itinayo.

Ang kabigatan sa gawain ay sa una pa lang dahil sila ay dalawang teksto na nagkaila sa bawa't isa. Sa unang panig, dapat subukan ng tao na lahat ng kanyang gawain ay para makakaabot sa Dvekut (Debosyon) sa Lumikha, na ang lahat ng kanyang hangarin ay para magkakaloob lamang ng kasiyahan sa kanyang Lumikha, at hindi sa kanyang sarili.

Sa ibang panig, makikita natin na ito ay hindi primaryang layunin, dahil ang layunin ng paglikha ay hindi na ang mga nilikha ang magbigay sa Lumikha, dahil Siya ay walang pagkukulang sa Kanya na ang mga nilikha ay magbibigay sa Kanya ng anumang bagay. Sa kabaligtaran, ang layunin ng paglikha ay dahil sa Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilikha, ibig sabihin na ang mga nilikha ay makakatanggap ng ligaya at kasiyahan mula sa Kanya.

Ang dalawang bagay na ito ay sumalungat sa bawa't isa mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo. Sa isang panig, dapat ang tao ay magkaloob, sa kabilang panig, dapat ang tao ay tumanggap. Sa ibang mga salita, mayroong pag-uunawa sa koreksyon ng paglikha, likas sa pagtamo ng Dvekut, maunawaan na pagkapareho ng anyo, likas na lahat ng kanyang mga gawain ay para lamang magkakaloob. Pagkatapos posibleng matamo ang layunin ng paglikha, na siyang ang pagtanggap ng ligaya at kasiyahan mula sa Lumikha.

Kaya, kung sinanay ng tao ang kanyang sarili na lumakad sa daan ng pagkaloob, ang tao ay walang mga sisidlan ng pagtanggap kahit paano. Kung ang tao ay lumakad sa daan ng pagtanggap, siya ay walang mga sisidlan ng pagkaloob.

Kaya, sa pamamagitan ng "mga bato para sa pagtimbang" ang tao ay makakatamo ng dalawa. Ito ay dahil pagkatapos ng negosasyon na mayroon siya sa panahon ng gawain, sa panahong siya ay namamayani at umaako ng kabigatan ng Kaharian ng Langit sa anyo ng pagkaloob sa isip at puso, ito ay magdudulot na sa panahong ang tao ay muntik ng humigop ng Dakilang Kasaganaan, dahil siya ay nagkaroon na ng siksik na pundasyon na ang lahat ng bagay ay dapat sa anyo ng pagkaloob. kaya, kahit sa panahong ang tao ay makakatanggap ng alin mang luminisensya, ang tao ay tumatanggap na para magkaloob. Ito ay dahil ang buong pundasyon ng kanyang gawain ay itinayo lamang sa pagkaloob. Ito ay tinuring na siya ay "tumanggap para magkaloob."