kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Turuan Mo Ang Bawa't Bata

Ang mundo ay nasa kaguluhan, at mamanahin ng ating mga anak ang mga problema na ating nilikha. Paano natin sila matulungang maunawaan ang pangyayari sa mundo, at lalong mahalaga, makilala paano ito babaguhin?

Mayroon ka bang mga anak? Ano ang sinabi mo sa kanila tungkol sa mga pangyayaring kasalukuyang nangyayari sa mundo? Sa pagtingin ng kanilang mga mukha habang sila'y nanonood ng mga balita at sa gayon nakita ang kanilang bukas, nabigyan mo ba sila ng pang-unawa at pag-asa? Kailangan nilang malaman na mayroong mga dahilan para sa mga pangyayari sa mundo, na ang mga pagdaramdam ng kawalang-pag-asa ay maaaring gawing pag-unawa ng layunin. Dapat hawakan natin ang kanilang mga kamay at ipakita paano ang mundong ito ay kunektado sa isa't-isa, na ang pighati na kanilang nadama ay nadama ng buong sangkatauhan.

Ang kaalaman ng Kabala ay nagtuturo sa atin na ang bawa't magkakasunod na henerasyon ng tao ay nagdibelop ng lalong malakas, lalong nagdidiktang pagkamakasarili. Ating narinig ang ating mga magulang o lalong matandang mga kaibigan at mga kamag-anak na nagsabi tungkol sa paano ang bawa't bagong henerasyon ay lalong walang galang, makasarili, at iba pa. Ang kanilang mga sinasabi ay totoo, at nagpapatunay ng mabuti ng konsepto ng tumutubong pagkamakasarili ng sangkatauhan.

Ipinapakita sa atin ng mga kasalukuyang mga pangyayari talagang gaano kalaki ang pagkamakasarili tumubo sa pagdaan ng mga siglo, magtatapos sa  katakut-takot na pagkamakasarili na gumambala sa mundo sa kasalukuyan. Ang ating walang-kasiyahang gana para sa lalong marami, lalong malaki at lalong mabuti sa lahat ng bagay ay nagbunga ng pampanalaping krisis, mga malaking kapahamakan sa kapaligiran, at imbalanseng sosyal. Ito ang pamana na iiwan natin sa henerasyon ng ating mga anak, na dapat ding kayahin sa kanilang sariling pagtubo sa pagkamakasarili. Ang malakas na pagkamakasarili ng henerasyon ng ating mga anak ay dapat kilalanin, angkinin at tuturuan para sila'y makakaunawa na ito ay hindi maaaring magpatuloy kung gusto nilang mamuhay sa mundo na maliligtas sa tumutubong krisis.

Ang kasalukuyang pampanalaping krisis ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong tulungan ang ating mga anak na maunawaan ang mundong kanilang tinitirhan. Kasama ang maingat na patnubay, maiipakita natin sa kanila paano ang ugnayan sa isa't isa sa lahat ng sangkatauhan ang dahilan. Ang nangyari sa Estados Unidos ay mayroong malayong naabot na epekto sa mga pampanalaping mga pamilihan sa buong mundo. Sa salungat, ang nangyayari sa kabilang mga kontinente sa mundo tulad ng Europa, Africa at Asia, ay nakakaapekto din sa atin. Nakikita natin paano ang mga bibilihin na nasanayan nating makita sa mga tindahan ay hindi na makukuha, o kung sila ay makukuha, sila ay nasa matataas na presyo, na konte lang ang may-kaya.

Ngayon ay panahon na para dalhin ang ating mga pamilya na lalong malapit, para ipakita sa ating mga anak kung ano talaga ang kahulugan ng ugnayan. Ang pamilya ay ang pinakaperpektong paraan para simulang magturo ng dahilan at epekto sa lengguwahe ng pagbibigayan at pagiging alintana sa kapwa higit pa sa pagiging alintana sa sarili. Ang paghawak ng responsibilidad para sa mga kayamanan na makukuha ng pamilya at ang pag-aaral paano ipamahagi sila para ang bawa't miyembro ng pamilya ay magkaroon ng anumang kanilang kinakailangan, na wala ni isang miyembro ang magkaroon ng mahigit pa kaysa kanilang bahagi ay nagpapakita ng maliit na sukatan paano ang mundo dapat tumakbo. Ang panibugho, inggit at pagkamaramot ay dapat ipakita na mapinsala at kontra-produktibo sa buhay ng pamilya.

Ang mga mag-aaral sa kolehiyo na malapit ng magtapos at magsimula ng kanilang mga karera ay dapat tulungan na ibahin ang kanilang mga priyoridad malayo sa pagkakaroon ng may prehistiyong trabaho na magbubunsod sa kanila sa mabilis na landas sa mayamang estilo ng buhay. Sa halip, ang malasakit para sa pandaigidig na komunidad ang magpapakita sa kanila na ang trabaho ay isang pamamaraan na gumawa ng sapat na pera para sa maginhawang pagsuporta sa kanilang sarili, sa kanilang mga pamilya, at sa kanilang komunidad, na ang sobrang kita ay dapat hatiin sa lahat sa pandaigdig na komunidad na ito.

Masyado nating pinalayaw ang ating mga anak, dahil pinalayaw natin ang ating mga sarili. Ang ating henerasyon ay nakakakita ng mga resulta ng ating katakawan, ng ating kakulangan ng pag-uunawa ng batas ng Kalikasan, na hindi kumukunsinte ng ugali ng anumang bagay na may buhay na kumikilos sa pagkamakasarili at maramot na paraan.

Ang Crosby, Stills at Nash ay nagrekord ng awitin mga 30 taon ang nakalipas na pinamagatang “Teach Your Children” ( Turuan Mo Ang Mga Bata). Ang unang talata ng awitin ay:

            Ikaw, na nasa daan, dapat may alituntunin na iyong susundin,
            At sa gayon maging ikaw mismo, dahil ang nakalipas ay paalam lamang.

Ang ating nakalipas ay dapat maging paalam, isang paalam sa makasariling buhay na ating sinubaybayan, na dapat nating ituro sa ating mga anak na hindi subaybayan. Dapat tayo maging tayo mismo, ibig sabihin na “ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig sa ating sarili, na turuan natin ang ating mga anak nang mabuti para mamuhay rin sa alintuntuning ito.