kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Kabala—Ang Susi sa Pag-unawa ng Katotohanan

Ang Ating Katotohanan

Nasa harapan natin ang letrato na pininta ng ating limang pandama, ns siyang alam natin sa tawag na "ating katotohanan" o "aking mundo." Maunawaan natin ang maraming bagay sa letratong ito, pero ito ba ay tama? Ito ba talaga ang nangyari sa labas sa akin.

Bihira mangyari ninuman sa atin na ang letrato na ating makita ay maaring mali. Bakit? Dahil tayo ay talagang walang alam kung anong nangyari sa loob natin. Alam lang natin ang ating sariling interpretasyon batay sa impormasyong ating nakuha sa ating mga pandama.

Tayo ay talagang namuhay sa pinakamalaking katotohanan, pero nadama lang natin ang kakaunting bahagi. Paano natin malaman na ito ay totoo? Tingnan natin kung paano ang ating katotohanan ay binuo. Kung pag-aralan natin ang ating mata at paano ito nagtrabaho, malaman natin na ang liwanag ay hindi talaga pumasok sa ating ulo:

Ang Ating Limitadong Kakayahang Pang-unawa

Ang problema dito ay ang impormasyong inilipat ay masyadong limitado. Bakit? Ang retina ay sensitibo lamang sa maliit na espektro ng liwanag na tinatawag na "ang espektro ng paningin." Kung ito ay sensitibo sa lahat na espektro ng liwanag (na tinatawag nating "radyasyon") maari nating makita ang x-rays, ultrabiyoleta, infrared, microwave, at maaring makita natin ang sound waves.

Ano ang nandoon sa labas?

Ano talaga ang nandoon sa labas? Aang ating ibang mga pandama ay tumarbaho ng pareho. Ang ating buong problema ay ang kakulangan ng kapareho ng anyo sa lalong maluwang na saklaw ng impormasyon na naiwan sa labas sa atin. Ni hindi natin alam kahit kung kaunting bahagi na ating naunawaan ay tama. Sa totoo, alam natin na hindi, at kung hindi ay makakita tayo ng mga kalansay ng tao at marinig ang taghoy ng aso.  

Pero kahit ang letrato na ating natanggap ay depektado dahil ito ay sinalang impormasyon. Sa pamamagitan ng ano ang pagsasalang ito? Ito ay sinala sa pamamagitan sa akin, ang nadamang "Ako"—ang aking pagkamakasarili. At ang aking totoong pang-unawa ng "aking mundo" ay depende sa mga katangian ng aking pagkamakasarili.

Ako ay wala kundi hangaring tumanggap ng kasiyahan.

Tayo ay ginawa sa pinaka-espesyal na paraan saan ang mga katangian ng ating pagkamakasarili ay batay sa isang panglahat na katangian, ang hangaring tumanggap. Sa ibang salita, sa bawa't pagkakataon na aking nadama, aking ibatay kung ito ay mabuti o masama o kung ako ay makatanggap o hindi ng mga kasiyahan mula sa pagkakataong ito. Ang katangiang ito—ang hangaring tumanggap—ay nagkontrol sa lahat tungkol sa atin, at ito ay dumating sa dalawang anyo.

  1. Ako ay tumanggap upang tumanggap ng kasiyahan; at
  2. Ako ay nagbigay upang makatanggap ng kasiyahan.

Ang pagbigay upang makatanggap ng kasiyahan ay mas komplikado dahil aking nadama na parang ako ay nagbigay kahit ako ay tumanggap pa rin. Ating makita ang mga halimbawa nito sa lahat ng klase ng pilantropiya, o ang inang nag-aaruga ng kanyang mga anak. Ang hangaring tumanggap ay masyadong binaluktot ang katamaan ng letratong ito na tinatawag na "aking mundo" at tinago ang natirang katotohanan mula sa atin.

Ang huling resulta sa pagsalang ito ay ang aking letrato ay lubusang depektado at talagang ako ay walang alam kung ano ang nangyari sa labas sa akin. Ang tanging alam ko ay ano ang sinasabi ng aking mga pandama at ano ang aking nadama ang tungkol dito

Bakit hindi ako makakita sa labas sa akin?

Bakit hindi ko makita kung ano ang nasa labas sa akin sa tamang paraan? Ating nalaman na kung hindi tayo nagkaroon ng pagkapareho ng anyo sa impormasyon na pumalo sa ating retina o eardrum, sa gayon hindi natin maunawaan ang impormasyonng iyon. Ito rin ay aking magamit sa aking pagkatao, ang hangaring tumanggap.

Ang talagang umiral sa labas sa akin ay mayroong isang pangkalahatang katangian, tulad ng aking ginawa. Pero ang katangiang iyon ay tamang salungat sa akin: iyon ay ang hangaring magkaloob. Dahil sa ang aking pangkalahatang katangian ay tamang salungat ng katangian na umiral sa labas sa akin, ako ay lubusang walang paraan para madama sa wastong paraan kung ano talaga ang nandoon sa labas. O mayroon ba?

Kung ilagay ko ang kasangkapan sa paglipat, tulad ng eardrum o retina sa ibabaw ng aking hangaring tumanggap, kung saan ang kasangkapan sa paglipat na ito ay may kaparehong mga katangian gaya ng sa labas sa akin, sa gayon ay maaari kong madama kung ano ang nasa labas.

Intensyon: ang kasangkapan sa pag-unawa sa buo panibagong katotohanan

Ang kasangkapan sa paglipat na iyon ay tinatawag na intensyon. Pero intensyon para sa ano? Ito ay ang intensyon para magbigay, magkaloob—ang dalhin ang aking mga katangian sa pagkapareho sa kung ano ang nasa labas sa akin. Ito ay bagay na lubos na bago para sa akin mula sa pagkasilang. At sa panahong mailagay ko ang kasangkapan sa paglipat na ito sa ibabaw ng aking hangaring tumanggap, ang buo panibagong katotohanan ay lumantad. Ang damahin ang kung ano ang nasa labas sa akin ay tinatawag na "pagdama sa espiritwalidad."

Tulad sa ano iyon? Kung ipagpalagay natin ang lahat ng mga kasiyahan na ating naranasan sa ating buhay gaya ng isang butil ng buhangin, sinasabi na ang isang solong sandali ng pagdama ng espiritwal ay tulad sa buong dalampasigan ng kasiyahan. Pero paano madibelop ng isang tao ang pandamang ito? Ang proseso sa pagsulong sa espiritwal na sensing organ na ito ay payak na tinaguriang ... Kabala.