ANG LAYUNIN SA PAG-AARAL NG KABALA
Ang kaalaman ng Kabala (ang kaalaman ng pagtanggap) ay unang
lumitaw mga 5,000 na taon ang nakalipas, kung kailan ang mga tao
ay simulang nagtanong tungkol sa layunin ng kanilang pag-iiral.
Iyong may alam na nito ay tinawag na "Kabalista," at may
kasagutan sa layunin ng buhay at ang tungkulin ng sangkatauhan
sa sangsinukob.
Pero sa mga araw na iyon, ang mga hangarin sa karamihan sa mga
tao ay napakaliit para pagsikapan ang karunungang ito. Nang
makita ng mga Kabalista na ang sangkatauhan ay walang
pangangailangan sa kanilang karunungan, itinago nila ito at
sekretong inihanda ito para sa panahon na lahat ay handa na para
nito. Samantala, pinagyabong ng sangkatauhan ang ibang
pamamaraan tulad ng relihiyon at siyensya.
Sa ngayon, na parami ng parami ng tao ay nakumbinse na ang
relihiyon at siyensya ay hindi makapagbigay ng mga kasagutan sa
mga malalalim na katanungan ng buhay, nagsimula silang maghanap
ng mga kasagutan sa ibang dako. Ito ang panahon na hinihintay ng
Kabala, at ito ang dahilan kung bakit ito lumitaw ngayon - para
makapagbigay ng sagot sa layunin ng ating pag-iiral.
Sabi sa atin ng Kabala na ang Kalikasan, na siyang katumbas ng
Lumikha, ay buo, mapagbigay at nagkakaisa. Sabi din sa atin na
hindi lang basta unawain natin ang Kalikasan, kundi kailangan
din na isakatuparan ang pamaraan ng pag-iiral na ito mismo sa
ating mga sarili.
Sabi din sa atin ng Kabala na kapag gawin natin ito, hindi lang
sa magkasingtumbas tayo sa Kalikasan, maintindihan din natin ang
Pag-iisip na nasa likuran nito - ang Pag-iisip ng Likha. Sa
wakas, inihayag din ng Kabala na ang pag-uunawa ng Pag-iisip ng
Likha, tayo ay maging katumbas nito at iyon ang layunin ng Likha
- ang maging katumbas ng Lumikha.