Sa kanyang sanaysay Time to Act, ipinaliwanag ni Baal HaSulam ang pagkawalang kaparis sa ating panahon. Sabi niya na ang ating panahon ay ang panahon na ang sangkatauhan ay nasa sapat na gulang na maghangad ng espiritwalidad.
Ang paghangad sa espiritwalidad ay makikita kung sa buong buhay ng tao, kasama ang kanyang mga kaligayahan, siya ay makadama ng kawalang-kabuluhan sa buhay at kawalang saysay. Sa ating henerasyon, ang bilang ng mga tao na nakaranas nito ay pataas ng pataas.
Ipinaliwanag ng Time to Act na ang kasalukuyang pangyayari ay matagal nang hinintay at sa wakas ay dumating na. Ngayon ay posible ng ilantad ang kaalaman ng Kabala dahil ito ay nagpaliwanag ng:
Ang Kalikasan ay hindi naglikha ng kahit anong bagay na walang kabuluhan. Sa prinsipyo, ang kalikasan ay ang lakas ng Lumikha. Sa salitang Hebreo, ang salitang Elokim, Diyos, ay mayroong halaga ng bilang gaya ng salitang Teva, kalikasan. Ibig sabihin nito na ang dalawang salita ay magkasinghulugang espiritwal. Kalikasan—lahat ng bagay na ating mahulo—ay naglarawan ng kung paano ang Lumikha nagpakita sa atin.
Sabi ni Baal HaSulam na ang pagbunyag ng Lumikha, at partikular sa panahon natin, ay magbigay sa atin ng walang hanggan at malawak na paningin sa sansinukob at pinabuti ang paghulo ng ating pag-iral. Maranasan natin ang buhay na walang hanggan at magkakasundong galaw, ang pagkakaisa ng lahat ng bagay, impormasyon, at enerhiya. Ayon kay Baal HaSulam, tayo ay maaari at kailangang marating ito sa ating henerasyon.