Ang Zohar - Ang Maikling Pasimula
KANINO ANG ZOHAR? TUNGKOL SA ANO ANG ZOHAR?
Ang Zohar ay isinulat para sa mga taong may napakamataas na
pagtatamo ng espiritwalidad. Ito ay nagtaglay ng mga
paglalarawang espiritwal ni Rabbi Shimon (Rashbi), na nakaabot
ng lahat na 125 na mga antas ng pagtatamong espiritwal. Inihayag
niya ang kabuuhan ng landas espiritwal at pinamagatan itong "Zohar"
(Zohar ay salitang Hebreo ng "ningning").
Ang Zohar ay "nagsasalita" sa pamamagitan ng mga larawan at mga
talinghaga. Ang taong babasa nito ay alam kung ano ang kayang
binasa, at kung ano ang inilarawan ng Zohar. Kung ang ibang mga
tao ay makaabot na sa kaparehong antas, sila rin ay makaintindi
kung ano ang isinulat sa Zohar.
Ang Zohar ay itinayo sa gayong paraan ng iyon lamang na nakaabot
ng tiyak na antas espiritwal ang maaring makinabang sa anumang
kanilang madiskubre sa loob nito. Bago iyon, ang tao ay maaring
bumasa at makinabang sa lakas espiritwal ng aklat, pero
masyadong mahirap maiugnay kung tungkol sa ano ang sinulat ng
Zohar. Hindi natin makikita ang kabuluhan sa nakakubling mga
estorya ng mga taong naglalakad at nangunguna sa kanilang mga
asno. Iyon lamang na may mataas na mga antas espiritwal ang
maaring lubos na makalapit sa Zohar.
Ang Zohar ay naglarawan ng lahat na 125 na antas espiritwal.
Kailangang ikaw ay nasa bawat antas mismo, na may buong
pagtatamo, at saka Ang Zohar ay magningning gaya ng ipinahiwatig
ng kanyang pangalan: "Sefer HaZohar" ("Ang Aklat ng Ningning" o
"The Book of Radiance")
Sa panahong tayong lahat ay makaintindi at makadama kung ano ang
isinulat ng Zohar, simula nating madiskubre kung paano ang buong
sistema ay nagtrabaho. Ito ay tinatawag na Lalong Mataas na
Mundo.
Upang makaabot sa Lalong Mataas na Mundo at madama kung ano ang
isinulat ng Zohar, kailangan tayong makipagyari sa landas na
espiritwal na inilarawan ng Zohar. Ito ay tinawag na " ang
landas ng pagsasaayos" o "ang landas ng liwanag."
Kung mas malayo ang pagsulong natin sa landas na ito at ayusin
ang ating mga sarili, lalo nating makikita kung ano ang ibig
sabihin ng pag-akyat ng mga antas ng mga mundo. Ang nilikha ay
hinati sa 125 na mga antas, at sa pagsasaayos natin sa ating mga
sarili, ang sistema ay nagbunyag ng kanyang sarili sa atin sa
pamamagitan ng 125 na mga antas ng pagbubunyag.