Mga seleksyon buhat sa orihinal na salaysay.
Pinaligiran mo ako sa likuran at sa wala pa, nangangahulugang ang rebelasyon at pagkatago ng mukha ng Lumikha, dahil talagang "ang Kanyang kaharian ang namumuno sa lahat," at ang lahat ng bagay ay babalik sa kanyang ugat sapagkat walang lugar na bakante sa kanya. Pero ang kaibahan ay sa panahunang pangkasalukuyan at panahunang darating, dahil siya na nag-ugnay ng dalawang mundo, makatuklas sa kasalukuyan ng Kanyang kasuotan: na ang lahat ng bagay na nagawa ay kasuotan para sa rebelasyon ng kabanalan. At ito ay itinuring na panahunang pangkasalukuyan, nangangahulugan na ngayon din siya ay darating sa maharlikang pananamit at malinaw na nagpamalas na ang mangangabayo ay hindi pangalawa sa kabayo. Pero kahit na parang lumitaw na ang kabayo ay nangunguna sa mangangabayo, ang totoo ay ang kabayo ay naudyok sa kahit anong galaw, sa pagdaramdam lamang ng renda at tirik ng mangangabayo. At iyon ay tinawag na pagtatayo ng tangkad ng kabanalan, at ito ay tinawag din na mukha-sa-mukha.
Pero ang taong hindi pa dumating sa pag-aalay ng lahat ng kanyang mga galaw para sa Lumikha lamang, at ang galaw ng kabayo ay hindi parehas sa galaw ng renda at tirik ng mangangabayo, kundi lumitaw na gumawa ng salungat, at ang katulong na babae ay lumitaw na namumuno sa panginoong babae, ito ay tinawag na "likuran" - nangangahulugan na dapat hindi ka mag-isip na ikaw ay pumalayo sa kabanalan, dahil "ang siyang dumating sa iyong isipan ay hindi maaaring sa anumang bagay." Kaya sabi ng Panginoon, "Talagang sa makapangyarihang kamay" at iba pa, "Dahil siya na itinaboy ay di maaaring tapon sa kanya." At ang bawa't gulong ay umikot para dumating sa kabanalan, ang kanyang ugat. Kung kaya, kahit na parang ang kabayo ang namumuno sa mangangabayo sa kanyang kasuklam-suklam na hangarin, ang totoo ay hindi ganoon. Ang mangangabayo ang siyang namumuno ng kabayo sa kanyang patutunguhan. Gayon pa man, ito ay hindi malinaw sa kasalukuyan, kundi sa darating. Kaya sa paraang iyon mayroon ding ugnayan pero ito ay likod-sa-likod, nangangahulugang hindi sa hangarin ng taong tumutulong sa pagbibihis ng iba o ng nagsusuot.
Pero ang mga taong sumunod sa Kanyang kagustuhan, makatuklas para sa kanilang sarili ng mga maharlikang kasuotan sa kasalukuyan, naugnay mukha sa mukha sa pamamagitan ng hangarin ng taong tumutulong sa pagbibihis ng iba, dahil iyon talaga ang Kanyang hangarin.
At ito ang kahulugan ng "Dahil ikaw ay hindi naglingkod ng Panginoon na Iyong Diyos sa paraang puno ng kaligayahan." Dahil paglingkuran mo Siya kahit paano, pero ang kaibahan ay sa paraang ito ay "sa paglusob at sa masama at mahirap na mga kalagayan", nangangahulugang ng walang gusto, at ang ibang paraan ay sa pamamagitan ng kasaganaan ng lahat ng bagay, nangangahululugang may gusto.