Dalawang Namamahalang Programa
Sa kasalukuyang mundo ng hi-tech, ang tao ay parang hindi na
makakilos kung wala ang kompyuter. Tayo ay nakipag-ugnayan sa
pamamagitan ng e-mail mas higit pa kaysa serbisyo ng koreyo.
Tayo ay nagbayad ng ating mga dapat babayaran on-layn. Bumibili
tayo ng lahat ng mga sari-saring bagay, mula sa elektronika
hanggang sa mga alahas, mula sa mga kotse hanggang sa mga tiket
ng libangan, at lahat on-layn.
Oo, tunay na binago ng kompyuter ang ating buhay. Gayun pa man,
maraming tao ang walang ideya na sa isang panahon, mayroong
hindi kapani-paniwalang sagupaan sa pagitan ng kung anong uri ng
operating system ang maging pinakalaganap sa mga kahanga-hangang
makinang ito.
Nang ang mga PC ay unang nagsilitawan sa pamilihan sa nakaraang
mga taon ng 70's, ang Windows ay hindi ang predominanteng
operating system. Ang Apple Computers ay nakapagdibelop ng
madaling magamit na sistema na nagpahintulut ng mga gumagamit na
patakbuhin ang mga programang denisenyo para sa operating system
na iyon.
Siyempre, narinig nating lahat ang kwento tungkol kay Bill Gates
at ang kanyang rebolusyonaryong operating system na dinibelop sa
kanyang garahe na tinatawag na Windows. At hindi nagtagal, mga
programa ng kompyuter na partikular na umakma sa mga gawaing
pangnegosyo at gumagana lamang sa Windows ay simulang nilikha
para sa kanyang bagong produkto.
Ang mahaba at maiksi sa kwentong ito ay dati mayroon tayong
dalawang medyo pantay na magkatapat na mga operating system na
mapagpilian. Kumuha ito ng kaunting peraso ng patalastas para
ang salita ay lumabas tungkol sa bagong sistema ng teknolohiya
ni Gates, pero ng lumabas ito, ang IBM PC ay bumaha sa
pamilihang pandaigdig, at kasama sa napakamaraming mga programa
na magamit na kasama sa software, madali nitong nalampasan ang
kaparteng leon sa pamilihan na siyang pinakinabangan noong una
ng Apple.
Bakit nag-uusap ako tungkol dito sa website ng Kabala?
Ang susi dito ay hindi ang iba't ibang programa na pinatakbo sa
kompyuter, kundi ang pangkalahatang namamahalang sistema na
nangasiwa sa mga programang iyon. Mayroong iba pang problema.
Ang mga programa na isinulat sa Apple ay hindi tatrabaho sa
Windows PC. Tunay na pambihira, dahil mga tao, tayo ay ganap na
kapareho ng kompyuter. Pinatakbo natin ang maraming mga programa,
ginawa ang libu-libong mga gawain bawa't isang araw, pero sa
lahat lahat, tayo ay nangasiwa sa isa pangkalahatang
namamahalang programa na nangasiwa sa lahat ng bagay na ating
ginawa.
Ang namamahalang programang iyon ay tinatawag na hangarin para
tumanggap
Paano ito trumabaho? Ito ay trumabaho sa prinsipyo ng "pinakamaliit
na pagsisikap para sa pinakamalaking kasiyahan." Hindi bale kung
anong kalagayan ang lumitaw sa ating harapan, ang utak ay
agad-agad gumawa ng kalkulasyon para sa pinakamalaking kasiyahan
na maaari nating matanggap. Ang kasalungat ay totoo gayon din.
Para sa mga sitwasyong nag-ugnay ng isang uri ng pighati, ang
kalkulasyong iwasan ang pighati sa pinakamaliit na pagsisikap ay
magamit gayon din.
Programa 1: "Gusto kong tumanggap ng kasiyahan!"
Sa ibang salita, kung tutuusin hinusgahan natin ang lahat ng
bagay na ating madama batay sa prinsipyo ng kasiyahan laban sa
pighati. At hinusgahan natin kung ano ang tama o mali para sa
atin batay rin sa parehong prinsipyo.
Nangangahulugan ba ito na tayo ay laging tumanggap? Tama, sa
salita, oo. Kahit sa panahong iniisip natin na tayo ay nagbigay,
tayo ay talagang gumawa ng kalkulasyon na ang partikular na
gawaing ito sa pagbigay ay magdala sa atin ng itinakdang halaga
ng kasiyahan.
Kung ang kalkulasyong iyon ay magresulta ng positibong
panumbasan ng kasiyahan laban sa pighati, tayo ay nagbigay. Kung
ito ay nagresuta ng negatibong panumbasan, tayo ay hindi
nagbigay; sa ibang salita, ang presyo ay masyadong mataas para
sa halaga ng kasiyahang natanggap. Ito ang dahilang masaya
tayong magbigay sa mga kawang-gawa, pero seguradong hindi
isakripisyo ang pagbayad ng ating mga dapat bayaran sa paggawa
nito. Sa simpleng paraan tinantya natin na ang presyo ay
masyadong mataas sa pagkakataong iyon.
Pero mayrong ibang programa, ang programang batay sa ganap na
kakaibang paghahambing. Isipin sa sandali na mayron tayong
sitwasyon sa ating harapan saan may isang taong may hangarin.
Ngayon sa normal na paraan, gumawa tayo ng kalkulasyong gaano
karaming kasiyahang ating matanggap kung isakatuparan natin ang
hangaring iyon para sa taong iyon at ano din ang presyo para
matupad ito.
Programa 2: "Gusto kong magbigay ng kasiyahan!"
Pero ano kung ang kalkulasyon ay binago? Ano kung gagamitin
natin ang ganap na bagong operating system hindi batay sa
kasiyahan laban sa pighati? Ano kung gagamitin natin ang
operating system na talagang batay sa totoo laban sa mali,
magbigay laban sa di-magbigay?
Isipin ang tulad ng lipunang iyon na gumagamit sa operating
system na ito. Bawa't isa ay huhusgahan batay sa baitang na sila
ay maaring magbigay, salungat sa gaano karaming pera na kanilang
magawa o gaano katagumpay sila nang sila'y atleta. Kung ang tao
ay lalong may kakayahang magbigay, mas mataas ang respeto na
maibigay ng lipunan sa taong ito. Pero paano baguhin ng tao ang
kanilang namamahalang programa? Ano ang kinakailangan? At
karagdagan, bakit natin ito kinakailangan?
Ang Kailangan sa Pagbago ng mga Panlipunang Prinsipyo para
Baguhin ang Programa
Kitang-kita na ito ay hindi madaling pakikipagsapalaran. Ang
pagbago ng pamaraan ng ating mga kalkulasyon na nangyari sa loob
ng ating utak ay kailangan ng palaging karagdagang lakas na ito
talaga ang dapat nating gawin. Kailangang tayo ay ganap ng
kumbinsido na sa paggawa sa pagbabagong iyon, tayo ay naging mas
mayaman kahit paano. Kung hindi, ang ating kasalukuyang
namamahalang programa ay hinding hindi magbigay sa atin ng kahit
pagtatangka sa pagbabagong iyon.
Ibig sabihin kailangan natin ng tamang patalastas para sa atin
sa lagiang batayan, gaya ng lagiang sunod-sunod na mga
patalastas na ating makita sa TV sa buong magdamag. At ano ang
patalastas na iyon? Ito ay "Ibigin ang iyong kapwa gaya ng
pag-ibig sa iyong sarili." Sa ibang salita, panghawakan ang mga
hangarin ng iba sa lalong mataas na pagpapahalaga kaysa sa iyong
sariling mga hangarin. Ang gawaing ito ay simpleng tinatawag na
"pag-ibig."
Para sa dahilan ng bagay, tayo sa kasalukuyan ay tumatakbo sa
simpleng sistema na ginagamit ng bawa't hayop—kasali na ang mga
tao. Pero ang antas ng ating mga hangarin ay masyadong mataas at
lalong komplikado kaysa ibang mga hayop na sa mga hangaring iyon
na ibabaw sa ating kalikasang hayop, tayo ay palaging nagkamali.
Ito ang dahilan ng mga digmaan, krimen, abuso ng droga, at
kaguluhan sa ating mundo. Bakit? Lahat ng gawain ng Kalikasan ay
trumabaho sa programang ito ng magkaloob, ng pag-ibig. At kung
matutuhan natin ang prinsipyo ng pag-ibig, sa gayon magwakas ang
pighati gaya ng pagkakilala natin nito.
Baguhin ang Programa = Pagkapareho ng Kalikasan
Ang tao lamang ang may kakayahang umiral na may namamahalang
programa na ganap na salungat sa Kalikasan. Kung baguhin natin
ang programang iyon, kung baguhin natin para makarating sa pagkapareho ng anyo sa Kalikasan, gaya ng programang sinulat
dati para sa Apple na binago at ngayon ay tumakbo na sa Windows,
tayo ay maaring magkaroon ng kakayahang paganahin ang lahat ng
ating mga gawain sa paraang talagang katulad ng Kalikasan.
Madidiskubre natin ang pag-ibig. At madidiskubre natin ang
pinagmulan ng walang hanggang kasiyahan na mas mahigit pa kaysa
kombinasyon ng lahat ng mga kasiyahan na ating naranasan sa
pamamagitan ng ating kasalukuyang namamahalang programa na
tinatawag na "hangarin para tumanggap."