kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Dalawang Kalagayan

Mayroong dalawang kalagayan sa mundo. Sa unang kalagayan ang mundo ay tinawag na "pighati," at sa pangalawang kalagayan siya ay tinawag na aspeto ng "Shechina HaKedusha" (Banal na Presensya). Dahil bago pinagkalooban ang tao sa pagwawasto ng kanyang mga gawaing maging sa paraang magkaloob, madama niya ang mundo sa anyo ng mga pighati at mga pahirap.

Kundi maya-maya siya ay pagkalooban at makita niya na nagbihis ang Shechina HaKedusha (Banal na Presensya) sa buong mundo. Kaya ang Lumikha ay isinaalang-alang na pumuno ng mundo. Sa ganoon ang mundo ay tinawag na "Shechina HaKedusha" (Banal na Presensya), na tumanggap buhat sa Lumikha.  Ito ay tinawag na "pagkakaisa ng Lumikha at Banal na Presensya." Dahil gaya na ang Lumikha ang nagkaloob,  ang mundo ngayon ay inuukupahan ng pagkamapagkaloob lamang.

At ito ay tulad ng malungkot na tugtugin. Alam ng ilan sa mga manunugtog paano ipadama ang paghihirap na siyang kumatawan ng tugtugin na kinatha, dahil lahat ng himig ay tulad ng pananalita kung saan ang tugtugin ay nagpaliwanag ng mga salita na gusto ng tao sabihin sa buong lakas. At kung ang tugtugin ay pumukaw sa mga tao na nakarinig nito hanggang sa sila'y mapaiyak, na ang bawa't isa ay umiyak dahil sa paghihirap na ipinahiwatig ng himig, ito ay tinawag na "ang tugtugin," at lahat ay ibig makinig nito.

Tunay nga, paano maaaring lumigaya ang tao sa paghihirap? Dahil ang tugtugin ay hindi nakatutok sa kasalukuyang paghihirap, nguni't sa nakaraan, ibig sabihin sa mga pahirap na nagdaan na, na pinatamis, at nakatanggap ng kanilang kasiyahang loob, sa dahilang iyon ang tao ay gustong makinig sa kanila. Kung kaya, ito ang dahilan na ang mga paghihirap na ito ay matamis pakinggan, at sa gayon ang mundo ay tinawag na "Banal na Shechina."

Ang importanteng bagay na dapat malaman at madama ng tao na mayrong namumuno sa siyudad, gaya ng sinabi ng ating mga dalubhasa, "Sinabi ni Abraham, 'Walang siyudad na walang namumuno!'" At huwag isipin na lahat na nagawa sa mundo ay isang insidente. Na ang Sitra Achra ang naging dahilan ng pagkasala ng tao at sabihing ang lahat ng bagay ay insidental.

 Ito ang sekreto ng Hammat (sisidlan ng) Keri (tamod o semilya). Na mayroong Hamat puno ng Keri. Buhat sa-Keri na magdala ng tao sa mga pag-iisip na magsabing ang lahat ay Bemikreh (insidental).  (At pati din ang Sitra Achra na magdala ng tao sa mga ganitong pag-iisip na ang mundo ay kumilos Bemikreh (insidental), walang patnubay, ito din ay hindi insidente, kundi  kagustuhan ito ng Lumikha.)

Tanging kailangan ng tao na maniwala sa gantimpala at parusa, at mayrong paghuhukom at mayrong huwes at lahat ay kumilos ayon sa patnubay ng gantimpala at parusa. Dahil kung minsan kapag dumating sa tao ang ilang hangarin at pagkapukaw para sa gawain ng Maykapal, at siya ay nag-isip na ito'y insidental na dumating sa kanya, ito din ay kailangan niyang malaman, na mayroon siya nitong gawain tulad ng paggawa bago makinig, at magdasal na tulungan siya ng langit na makagawa ng alin mang gawain na may intensyon, at ito ay tinawag na aspeto ng pagtaas ng MAN.

Nguni't ang tao ay nakalimot na tungkol dito at hindi isinaalang-alang ang gawaing iyon, dahil sa hindi siya nakatanggap ng madaliang sagot ng kanyang panalangin, na maaaring makapagsabi "dahil pakinggan Mo ang panalangin ng bawa't bibig." Gayon pa man, ang tao ay kailangang maniwala na utos mula sa Itaas na ang sagot para sa panalangin  ay maaaring dumating pagkalipas ng ilang araw o buwan pagkatapos ng panalangin.

Ang tao ay hindi dapat mag-isip na insidente ang pagtanggap ng kasalukuyang pagkapukaw na ito. Kung minsan sabihin ng tao, "Ngayon na ako ay nakadama na wala akong pagkukulang, at wala akong alalahanin at ang isip ko ay malinaw at malusog ngayon, at sa dahilang iyon maaaring ibaling ko ang aking isip at hangarin sa gawain ng Maykapal." 

Sa ganoon maaari niyang sabihin na ang buong pag-aabala niya sa gawain ng Maykapal ay "kanyang lakas at kapangyarihan ng kanyang kamay ang nagbigay sa kanya ng kayamanan." Kung kaya, sa insidenteng mag-abala siyang abutin ang pangangailangang pangkaluluwa, kailangan niyang maniwala na iyon ang kasagutan ng kanyang panalangin. Kung ano ang kanyang idinalangin sa nakalipas, ang panalangin na iyon ay sinagot na ngayon.

At oo kung minsan kapag magbasa ng aklat, at binuksan ng Lumikha ang kanyang mga mata at madama niya ang pagkapukaw, at iyon din ay ugali ng tao na iugnay ito sa insidente. Subali't lahat ay pinangasiwaan.

Kahit na alam ng tao na ang kabuuan ng Torah ay mga pangalan ng Lumikha, paano niya maaaring masabi na sa pamamagitan ng aklat na kanyang binasa siya ay nakatanggap ng ilang uri ng marangal na pakiramdam? Pero kailangan niyang malaman, na sa maraming beses na magbasa siya sa aklat at nalaman na ang kabuuan ng Torah ay mga pangalan ng Lumikha, gayon pa man ay hindi nakatanggap ng liwanag na pang-espiritwal at pakiramdam. Sa halip, ang lahat ay walang kagana-gana at ang kaalaman na kanyang alam ay di man lang nakakatulong sa kanya.

Kaya kapag ang tao ay mag-aral ng aling aklat at ikinapit ang kanyang pag-asa sa Kanya, ang kanyang pag-aaral ay dapat sa batayan ng pananalig, na siya ay naniniwala sa Patnubay at bubuksan ng Lumikha ang kanyang mga mata. Kaya siya ay naging nangangailangan ng Lumikha at sa gayon ay nagkaroon ng pag-uugnay sa Lumikha. At sa paraang iyon maaari niyang makamit ang debosyon sa Kanya.

Mayrong dalawang lakas na sumalungat sa isa't isa, ang Lalong Mataas na Lakas at ang Lalong Mababang Lakas. Ang Lalong Mataas na Lakas ay, gaya ng nakasulat, "Bawa't isa na tinawag sa Aking Pangalan, at aking nilikha para sa Aking karangalan." Ibig sabihin nito na ang buong mundo ay nilikha para lamang sa karangalan ng Lumikha. Ang Mas Mababang Lakas ay ang hangaring tumanggap na nakipagtalo na ang lahat ng bagay ay nilikha para nito, silang dalawa ang panlupa at ang espiritwal na mga bagay, lahat para sa pagmamahal sa sarili.

Ang hangaring tumanggap ay nakipagtalo na siya ay karapat-dapat sa mundong ito at sa susunod na mundo. Walang dudang ang Lumikha ang mananalo, pero ito ay tinawag na "ang daan ng pighati." Ito ay tinawag na "ang mahabang paraan." Pero mayrong maiksing paraan, tinawag na "ang daan ng Torah." Kailangang ito ang intensyon ng bawa't isa—para paiksiin ang panahon.

Ito ay tinawag "Aking bibilisan ito." Sa ibang paraan ito ay maging "sa kanyang panahon," gaya ng sinabi ng ating mga dalubhasa, "pinagkalooban—aking bibilisan ito; hindi pinagkalooban—sa kanyang panahon," "na bigyan ko kayo ng hari tulad ni Haman, at pupuwersahin kayong magbago."

Ang Torah ay nagsimula sa Beresheet (Sa simula), at iba pa. "Ngayon ang mundo ay walang anyo at walang laman, at kadiliman," at iba pa, at nagwakas, "sa paningin ng buong Israel."

Sa simula nakita natin na ang lupain ay "walang anyo at walang laman, at kadiliman," nguni't nang winasto nila ang kanilang sarili para magkaloob, sa gayon sila ay pinagkalooban sa "at sabi ng Lumikha, hayaang magkaroon ng liwanag at iba pa" hanggang sa ang Liwanag ay lumitaw "sa paningin ng buong Israel."