kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

ANO ANG KABALA?

Bagama't ang kanyang pinanggalingan ay nauugat sa matinding katandaan, mula sa panahon ng makalumang Babel, ang siyensya ng Kabala ay nananatiling nakatago sa sangkatuhan mula ng ito'y lumitaw mahigit apat na libung taon ang nakaraan.

Ang pagkatagong ito ang siyang nag-alalay ng walang kamatayang gayuma ng Kabala. Mga tanyag na siyentipiko at pilosopo sa maraming bansa, katulad nina Newton, Leibniz, and Pico della Mirandola ay nag-imbestiga at sinubukang intindihin ang siyensya ng Kabala. Gayunman, hanggang sa mga araw na ito kakaunti lamang ang may alam kung ano talaga ang Kabala.

Ang siyensya ng Kabala ay hindi nagsalita tungkol sa ating mundo, kaya ang diwa nito ay hindi mapansin ng tao. Imposibling maintindihan ang hindi makita, ang hindi mapaghulo at iyong hindi pa naranasan. Sa libu-libong taon, ang sangkatauhan ay hinandugan ng napakamaraming klase ng bagay na napasa-ilalim ng pangalang "Kabala": mahiko, tungayaw at kahit mga himala, lahat maliban lang mismo sa siyensya ng Kabala. Mahigit sa apat na libung taon, ang karaniwang pagka-intindi ng Kabala ay ginulo ng mga maling kuro-kuro at mga maling interpretasyon. Dahil doon, pangunahin sa lahat, ang siyensya ng Kabala ay kailangan na gawing malinaw. Ang Kabalistang si Yehuda Ashlag ay nagturing ng Kabala sa susunod na pamaraan sa kanyang artikulo The Essence of the Wisdom of Kabbalah:

Ang kaalamang ito ay hindi mahigit at hindi kumulang na pagkakasunod-sunod ng mga ugat na nakabitin sa pamamagitan ng dahilan at kalalabasan, sa matibay, natatalagang pamamalakad, na inilabi sa nag-iisa, marangal na layunin na inilarawan na "ang pagbubunyag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilalang sa mundong ito."

Ang mga paglalarawang siyentipiko ay maaaring komplikado at nakasasagabal. Subukan nating imbestigahan kung ano ang ibig sabihin nito.

May umiiral na pwersang lalong mataas o ang Lumikha, at mga pwersang namamahala ay nanaog mula sa pwersang lalong mataas hanggang sa mundo natin. Hindi natin alam kung gaano karami ang mga pwersa pero talagang ito'y hindi na importante. Tayo ay umiral sa mundong ito. Nilikha tayo ng pwersang lalong mataas na tinatawag nating "Lumikha." Kabisado natin ang iba't ibang pwersa sa mundo natin tulad ng grabidad, electromagnetism at ang lakas ng isip. Nguni't mayroong mga pwersang nasa mas mataas na antas na kumikilos kahit ito'y nakatago sa atin.

Tinatawag natin ang ultimo, pangmalawakang pwersa - "ang Lumikha." Ang Lumikha ay ang kabuuhan ng mga pwersang pandaigdig at ang pinakamataas na antas sa linya ng mga pwersang namamahala.

Ang pwersang lalong mataas na ito ay sumupling ng mga mundong lalong mataas. Mayroong limang mundo sa kabuuhan. Ang tinatawag na Machsom - hadlang na naghati ng mga mundong lalong mataas at ng ating mundo - sumunod sa kanila. Mula sa pwersang lalong mataas - ang Lumikha, tinatawag ding "mundong walang hanggan" - ang mga pwersa ay nanaog sa pamamagitan ng lahat ng mga mundo, na siyang nagbigay buhay ng ating mundo at ng mga tao.

Hindi pinag-aralan ng siyensya ng Kabala ang ating mundo at ang mga tao nito, na siyang ginawa ng mga siyensyang tradisyonal. Inuusisa ng Kabala ang lahat na umiiral sa kabila ng Machsom.

Sabi ng Kabalistang si Yehuda Ashlag na "ang kaalamang ito ay hindi mahigit at hindi kumulang na pagkakasunod-sunod ng mga ugat na nakabitin sa pamamagitan ng dahilan at kalalabasan, sa matibay, natatalagang pamamalakad..." Wala ng iba maliban sa lakas na pumanaog galing sa itaas alinsunod sa tumpak na mga batas. Saka, ang mga batas na ito, ayon sa sinulat ni Ashlag, ay nakapirmi, ganap at sumasalahat ng dako. Sa huli, lahat sila ay pinangasiwaan upang mabunyag ang pangunahing namamahalang lakas ng kalikasan habang namumuhay sa mundong ito.

Hanggang sa lubos na madiskubre ng tao ang lakas na ito, hanggang sa malaman niya ang lahat ng mundo na kailangan niya akyatin, sundin ang parehong mga batas gaya ng mga lakas na pumanaog, at hanggang sa maabot niya ang mundong walang hanggan, gayon ang tao ay hindi makaalis sa mundong ito. Ano ang ibig sabihin ng "hindi makalis"? Ang taong ito ay paulit-ulit na maisilang sa ating mundo, sumibol mula sa isang buhay patungo sa susunod na buhay hanggang sa maabot ang katayuan saan ang hangarin para maabot ang lalong mataas na lakas ay lumitaw.