Sino ako at para sa anong layunin ako umiiral? Paano tayo lumitaw dito at saan tayo pupunta? Posible bang nanggaling na tayo sa mundong ito dati? Malalaman ba natin ang ating sarili at ang sansinukob? Bakit ang tao magdusa at posible bang maiwasan ang pagdurusa? Paano matagpuan ng tao ang kapayapaan, kasiyahan, at kasaganaan? Paano natin matatamo ang katiwasayan, katuparan, at kaligayahan?
Maraming tao sa bawa't henerasyon ang nagsubok na matagpuan ang mga sagot sa mga paulit-ulit, hindi makali-kalimutang mga katanungang ito, at ang mismong katotohanan na ito ay nangyayari sa bawa't henerasyon ay nagpapatunay na hindi pa natin natagpuan ang nakasisiyang mga kasagutan. Sa pag-aaral ng kalikasan at ng sansinukob, ating nakikita na lahat na nakapaligid sa atin ay umiiral at tumatakbo ayon sa mahigpit, puno ng layuning mga batas. Patungkol sa atin na tugatog ng paglikha ng kalikasan, ating makita na ang sangkatauhan ay parang nasa labas ng sistema. Halimbawa, sa pagtingin sa prudente at rasonableng paraan na nilikha ng kalikasan ang bawa't bahagi ng ating organismo, sa pagtingin sa tumpak na layunin sa pagtakbo ng bawa't selula ng katawan, hindi natin masasagot ang tanong: ano ang layunin nitong buong buhay na organismo?
Lahat na nakapaligid sa atin ay tinagusan ng ugnayang dahilan at epekto, ibig sabihin na walang bagay na nilikha na walang layunin. Sa mundo ng mga katawang pisikal, ay umiiral ang malinaw na mga batas ng mosyon, dinamika, at pag-ikot. Ang kaparehong lohika ay umiiral sa kaharian ng halaman at hayop. Pero ang pangunahing tanong, i.e. para sa anong layunin ang lahat na ito umiiral, iyon nga, hindi lang sa ating sarili kundi sa buong nakapaligid na mundo din na nakapaligid sa atin - ay nanatili pa ring walang sagot. Mayroon bang tao sa mundo na hindi kailanman, kahit minsan sa kanyang buhay, ay nag-alala sa katanungang ito? Ang umiiral na siyentipikong mga teyoriya ay nanindigan na ang mundo ay pinamahalaan ng hindi nagbabagong mga pisikal na batas, na siyang wala tayong kakayahang impluwensyahan. Ang nag-iisa nating layunin ay binubuo ng prudenteng paggamit ng mga batas na iyon para mabuhay, ang iba 70 hanggang 120 taon ng ating buhay, inihanda ang lupa, sa literal na kahulugan at patalinghaga, para sa darating ng mga henerasyon. Pero para sa anong kapakanan? "Ang sangkatauhan ba ay nag-dibelop sa pamamagitan ng ebolusyon ng mga pinakasimpleng anyo?" o "Ang buhay ba ay dinala mula sa ibang mga planeta?"
Mayroong dalawang petsa - pagsilang at kamatayan, at ang mangyayari sa pagitan nila ay bukod-tangi at, kaya nga, mahalaga. O bise bersa: ang buhay ay walang kabuluhan kung pagkapos nito ay mayroong wakas, kadiliman, at bangin? Nasaan ang prudente, kitang-lahat, makatwiran na Kalikasan na hindi lumilikha ng bagay na palpak? O, mayroon bang umiiral na mga batas at layunin na hindi pa nadiskubre? Ang pag-aaral natin ng mundo ay sa katuturan pag-aaral lamang ng reaksyon ng mundo sa ating mga galaw, na ating mahuhulo sa ating limang pandama: hipo, amoy, tingin, pandinig, at lasa, o sa mga instrumentong nagdadagdag ng kanilang saklaw. Lahat na lampas sa ating pag-aaral ay hindi natin mahulo kailanman, hindi ito umiiral hanggang sa abot sa ating pag-alala. Sa karagdagan, wala tayong kakayahang magmimintis sa pandamang kulang, sa paraang hindi tayo magmimintis sa pang-anim na daliri, o sa paraang imposibleng ipaliwanag ang paningin sa taong isinilang na bulag. Sa dahilang ito, hindi madidiskubrehan kailanman ng tao ang mga nakatagong anyo ng kalikasan sa mga pamamaraang nasa kanyang kapangyarihan.
Ayon sa Kabala, ang mundong espiritwal ay umiiral pero hindi mahulo sa ating mga organong pandama; ang ating Sansinukob ay munting bahagi ng mundong ito na matagpuan sa sentro at ang ating planeta, ang Earth, ay ang kanyang panloob na sentro. Ang mundong ito ng impormasyon, isip at damdamin, na makaka-apekto sa atin sa pamamagitan ng mga materyal na batas ng (napapansin) kalikasan at pagkakataon, na naglagay sa atin sa tiyak na mga kalagayan na nagpasya ng pamamaraan ng ating pagkilos. Wala tayong impluwensya sa mga bagay tulad ng panahon at lugar ng ating pagsilang, o sino tayo maging, sino ang makasalamuha natin sa ating buhay, at ano ang mga kinalabasan ng mga pagkilos na magkakaroon tayo.
Ayon sa Kabala, mayroong apat na uri ng kaalaman na magagamit ng tao, at dapat niyang maintindihan sila:
l. Ang Paglikha: Ang pag-aaral ng paglikha at ang pagsulong ng mga mundo: paano ito nilikha ng Lumikha, paano ang espiritwal at materyal na mga mundo nakisalamuha, ano ang layunin ng paglikha ng tao.
2. Ang Pagganap: Ang pag-aaral ng kalikasan ng tao, ang kanyang ugnayan sa mundong espiritwal, kilala na Praktikal na Kabala.
3. Ang Patutunguhan ng mga Kaluluwa: Ang pag-aaral ng kalikasan ng bawa't kaluluwa at ng kanilang patutunguhan. Paano ang tao kikilos sa buhay na ito at sa susunod na mga buhay? Ano ang layunin ng pagbaba ng kaluluwa sa katawan at bakit ang partikular na katawan ay makakuha ng partikulaar na kaluluwa? Ang kasaysayan ng sangkatauhan na resulta ng tiyak na pagkakasunod-sunod at ang pagkakalipat ng mga kaluluwa ay tinalakay din.
4. Ang Alituntunin: Pag-aaral ng ating mundo - mga bagay na walang buhay, halaman at hayop, ang kanilang kalikasan at tungkulin; paano sila pinamamahalaan mula sa mundong espiritwal. Ang kataas-taasang alituntunin at ang pag-unawa natin ng Kalikasan, ng Panahon, at ng Espasyo. Ang pag-aaral ng mga kataas-taasang lakas na nagmungkahi ng mga katawang materyal sa tiyak na layunin (punto). Posible bang hulain ang pangunahing misteryo ng buhay ng tao na walang pagtatanong tungkol sa pinagmulan nito? Ang bawa't tao ay nagsusubok na isipin ang bagay na ito.
Ang pakikipagsapalaran para sa layunin at katuturan ng indibidwal na buhay, pati na rin ang buhay ng sangkatauhan sa pangkalahatan ay ang pangunahing tanong ng buhay espiritwal ng tao. Mula sa kalagitnaan ng siglo-20, nasaksihan natin ang pagsilang muli ng kinatatayuang pangrelihiyon ng sangkatauhan. Ang pagsulong sa teknolohiya at ang kataklismong pandaigdig na nagbigay ng paglitaw ng lahat ng uri ng teoryang pilosopikal ay hindi nagbigay ng tao ng kasiyahang espiritwal. Gaya ng ipinaliwanag ng Kabala, sa lahat ng mga umiiral na kasiyahan ang ating mundo ay nakatanggap lamang ng iisang maliit na kislap. Ang kanyang presensya sa mga materyal na bagay ay nagbibigay sa atin ng kasiyahan. Sa ibang mga salita, lahat ng mga kaaya-ayang sensasyon na mararanasan ng tao sa iba't ibang sitwasyon at siyang idinudulot ng iba't ibang bagay ay, sa totoo, dahil lamang sa presensya ng kislap na ito. Bilang karadagan, sa paglipas ng panahon, ang tao ay palaging maghahanap ng mga bagong bagay ng kasiyahan sa pag-asang makakaranas ng lalong mahigit pang mga kasiyahan, walang pag-uunawa na ang lahat ng mga bagay na ito ay mga panlabas na mga balat lamang at ang diwa ng Ner Dakik ay nananatiling pareho.
Mayroong dalawang paraan na magdadala ng tao sa pag-uunawa ng pangangailangan para dakilain ang espirito sa ibabaw ng bagay at kasiyahang ganap: (1) Ang paraan ng Kabala. (2) Ang paraan ng pighati.
Ang unang paraan ay ang pag-aaral ng Kabala habang sa pamamagitan ng ganong pag-aaral ang tao ay unti-unting maging malaya mula sa kanyang pagkamakasarili. Ang pangalawang paraan ay uliran: bigla na lamang makakadama ng uri ng espiritwal na gutom at paghahanap para sa pinagmulan ng kasiyahan. Mapapayo lamang natin na piliin ang paraan ng Kabala sa panahong iyon sa halip ng paghihintay para sa paraan ng pighati.