SINO ANG PINAYAGANG MAG-ARAL?
Lahat ng tao, walang pagtingin sa kasarian, lahi, relihiyon at
bansang kinabibilangan ay pinayagang mag-aral ng kaalaman ng
Kabala. Sa dahilang iyon, palaging sinubukan ng mga Kabalista na
ikalat ang kaalaman sa Israel at sa mundo, dalhin ang
posibilidad na ito sa kaalaman ng lahat. Ito ay totoong-totoo
lalo na sa mga kaluluwang may gulang na sa pag-aaral ng kaalaman
ng Kabala. Sa pamamagitan ng pag-aaral maitama nila ang kanilang
mga sarili at maabot ang layunin ng Likha. Ang mga iba na hindi
pa nakadama ng pangangailangan sa pag-aaral ng Kabala ay dapat
na magkaroon ng kamalayan sa sistemang ito kung mayroon silang
gustong pag-aralan ito sa bandang huli. Ito ay nagpahintulot sa
kanila na bilis-bilisan nila ang kanilang pag-unlad patungo sa
anyong pag-aayos.
Kung basahin natin ang Talmud Eser Sefirot (The Study of the Ten
Sefirot), isa sa mga pangunahing gawa ng Kabala, na isinulat ni
Baal HaSulam sa dating siglo, makikita natin mula mismo sa
pangunahing pahina, ipinahayag ni Rabbi Yehuda Ashlag (Baal
HaSulam) na ang bawat isa ay pwede at kailangang mag-aral ng
Kabala.Ito ay ganap na kailangan para sa mga taong mayroong nag-iisang
nakakapasong tanong sa kanilang mga puso: " Ano ang kahulugan ng
aking buhay?"
Kahit na ang kaalaman ng Kabala ay napakalawak at hindi
maliwanag na siyensya, binuksan ni Rabbi Yehuda Ashlag ang
kanyang aklat sa payak, makataong tanong, tanong na kilala
nating lahat. Ang mga taong hindi kontento sa mga kasagutan ay
makahanap ng kasagutan sa kaalaman ng Kabala, at doon lang. Wala
ng ibang paraan! Ang taong hindi nagtatanong, "Ano ang kahulugan
ng aking buhay?" ay hindi makikinabang sa kaalaman ng Kabala.
MGA NAKARAANG PAGBABAWAL
Sa nakaraan, ang lalaking hindi pa nagsasampung taon at walang
asawa, at mga babae, ay pinagbawalang mag-aral ng Kabala. Kundi
kay Ari na siyang nagpasiya na mula sa kanyang henerasyon
pasulong, pinayagan na ang lahat ng mga lalaki, mga babae at mga
bata na mag-aral ng Kabala kung sila ay inuudyok ng hangarin
para sa espiritwalidad, nagpapatunay ng kagulangan ng kanilang
mga kaluluwa.
Ang ating hangarin at masidhing damdamin para sa espiritwalidad,
at ang ating paghahanap sa kahulugan ng ating buhay ay
bukod-tanging mga patunay sa ating kahandaan sa pag-aaral ng
kaalaman ng Kabala. Karagdagan, sinagot ni Rav Avraham Yitshak
HaCohen Kook ang tanong kung sino ang makapag-aral ng Kabala sa
mga payak na salita: "Kahit sino na may nais nito."
DATING KAALAMAN
Walang pangangailangan ng dating kaalaman para makapag-aral ng
Kabala. Ito ay siyensya na nauugnay sa pakikitungo ng isang tao
sa Lumikha. Kung madama ang pangangailangan sa pag-aaral ng
Lalong Mataas na Mundo, ang kaalaman na natamo sa mundong ito ay
may kakaunting tulong lamang. Ang mga estudyante ay nagnanais na
maintindihan ang mga batas ng Lalong Mataas na Mundo, hindi ang
mga batas sa mundong ito. Kaya, ang mga taong iyon ay di
kailangang lumuhog o kondisyong nauuna na mga natatanging
kursong kailangan sa hindi pa sila magsimula sa kanilang
pag-aaral.
Ang tanging kinakailangan ay bumasa sa tamang mga aklat at ang
magkaroon ng tunay na hangarin sa espiritwalidad. Iyon lang, ang
Ohr (salitang Hebrew ng liwanag) ay matamo lamang kung may
pangangailangan ng hangarin sa pagwawasto. Ang talino ng tao ay
kikilos na parang tulong para isagawa ang ating mga hangaring
makasarili. Kung subukan nating intindihin ang Torah sa
pamamagitan lamang ng ating talino, mangyari ay mapaghulo natin
ang siyensya nito, hindi ang Ohr.
Kaya, ang mga taong nag-aaral lamang tungkol sa mga praktikong
batas ng Torah at isinasagawa ang mga iyon na parang makina na
walang pagwawasto sa kanilang mga puso, ay tinatawag na mga
Hentiles. Mayroon silang kaalaman, pero hindi ang Ohr. Ang Torah
ay Ohr ng Lumikha na pumasok sa naisaayos na Kli (salitang
Hebrew ng sisidlan), samantalang ang kaalaman ay kasanayan ng
anumang naisulat, saanman at kailanman. Ang tao ay maaring may
kasanayan sa kabuuhan ng Torah, alam na alam ang kabuuhan ng
Talmud, pero wala pa ring tunay na kakayahang espiritwal.
Ang kamanghamanghang ito ay nanatili din sa Kabala: ang tao ay
maaring may kasanayan sa lahat ng mga teksto ng Kabala at bihasa
sa teksto tulad ng propesor sa unibersidad, pero iyon ay hindi
nangunguhulugan na lahat ng kanyang mga hangarin ay naisawasto,
o ang pagkamakasarili ay napalitan na ng pagkamapagbigay.
Iyon ang tunay na layunin ng ating Likha at ang layunin ng
pagbibigay ng Torah. Kung mag-aral tayo at isagawa ang pagsubok
kung tayo ay mag-aaral, mawawasto natin ang ating pagkatao. Sa
gayon lamang matuturing natin na tayo ay nag-aaral ng Torah.
Pero kung mag-aaral tayo para lamang matamo ang kaalaman, ito
ang lahat na inaakala natin na ating ginagawa.
Kaya, ang tunay na guro ay hindi humihingi ng kasanayan mula sa
kanyang mga estudyante. Sa kabaligtaran, gusto niyang makita ang
kanilang mga pag-aalinlangan, kanilang mga kahinaan, ang
kanilang paghuhulong kakulangan ng pag-iintindi, at ang kanilang
pag-aasa sa Lumikha. Ang mga palatandaang ito ay nagpapatunay ng
simula ng paglalakad ng pagpapantay sa mga Lalong Mataas na
Lakas.
Kung ang mga bagong estudyante ay naging mapagmataas sa kanilang
kaalaman at nagpapakita ng kanilang kabuuan ng loob at tiwala sa
sarili, ito ay dahil sa kung mas marami na silang nalalaman,
sila ay naging mas sanay katulad ng ibang kaalaman. Subalit ang
kaalaman ng Kabala, hindi katulad ng ibang pag-aaral, at kontra
sa panghuhulo ay hindi pinaunlad ang kaalaman ng isang tao kundi
ang pakiramdam na kakulangan nito.
SA PANAHON NG PAG-AARAL
Baal HaSulam, sa
Introduction to Talmud Eser Sefirot (item 155)
ay sumulat:
Kaya kailangang tanungin natin, bakit sa gayon, ay inu-obliga ng
mga Kabalista ang bawat tao na manaliksik sa kaalaman ng Kabala?
Talaga ngang mayroong kabigatan ang bagay dito, karapat-dapat na
ihayag na mayroong dakila, lubhang mahalagang lunas, para sa mga
nanaliksik ng kaalaman ng Kabala. Bagamat hindi nila
maintindihan kung ano ang kanilang pinag-aralan, sa pamamagitan
ng kanilang pagnanais at dakilang hangaring intindihin kung ano
ang kanilang pinag-aaralan, pinupukaw nila sa kanilang mga
sarili ang mga Ohr na pumaligid sa kanilang mga kaluluwa.
Ito ay nangunguhulugang ang bawat tao mula sa Israel ay
ginagarantiyahan ng sukdulang pagtatamo sa lahat na mga
kahanga-hangang pagtatamo na pinasiya ng Panginoon sa Isip ng
Likha, na ibigay sa bawat isa na nilikha. Pero ang taong hindi
nakaabot nito sa buhay na ito ay maaabot niya ito sa susunod na
buhay at sa susunod pa, hanggang sa matapos niya kung ano ang
paunang inisip ng Panginoon.
At habang hindi pa maabot ng tao ang kasakdalan, ang mga Ohr na
ito, na nakaukol na dumating sa kanya ay tinaguriang Ohr Makif (salitang
Hebrew ng liwanag na nakapaligid). Ibig sabihin na ang mga
liwanag na ito ay nakahanda para sa kanya, hinihintay ang
kanyang pagtatamo ng mga sisidlang pagtanggap. Sa gayon ang mga
Liwanag na ito ay maibihis sa loob ng mga sisidlang may
kakayahan.
Sa ganitong paraan, kahit na wala ang mga sisidlan, kung tayo ay
nananaliksik sa kaalaman, binabanggit ang mga pangalan ng mga
Ohr at ng mga Kli na may kaugnayan sa ating mga kaluluwa,
agad-agad nililiwanagan tayo sa tindi na maaasahan. Subalit
nililiwanagan tayo na walang pagbibihis sa loob ng ating mga
kaluluwa, dahil wala tayong mga sisidlang kinakailangan para
matanggap sila. Siya nga, ang pagliliwanag na matanggap natin na
paulit-ulit sa panahon ng ating pag-aaral, kumabig sa atin ng
biyaya mula sa Itaas, kinalooban tayo ng kasaganaan ng kabanalan
at kadalisayan, ubod na magsulong sa atin patungong kasakdalan.
ANG GIYANG ESPIRITWAL
Mahirap kilalanin ang tunay na gurong espiritwal mula sa isang
mapagkunwari. Sa mga araw na ito, ang lahat ay gusto ng
mumurahin at maginhawang katuwaan, mabilisang mga kasagutan, at
mabilisang mga kalutasan. Ang mga tao ay maaaring akayin sa mali
sa mga malinaw at kapani-paniwalang mananalita at makaligtaan
ang mga katangian ng patnubay espiritwal na sa ugali ay hindi
mapagparangalan.
Kung iyon ang pangyayari, paano natin kilalanin ang gurong
espiritwal sa ating henerasyon? Ang gurong espiritwal ay
maaaring sanay sa maraming mga larangan - siyensya, mga batas ng
relihiyon at kostumbre, edukasyon, at marami pa.
Subalit, hindi sapat na malaman kung ano ang naisulat ng mga
aklat ng Kabala para maging giyang espiritwal. Ang taong iyon ay
maaaring makaintindi ng kaalaman, at ang ating mga taong paham
ay nagbabala sa atin: "Kaalaman ng mga Hentil, maniwala, Torah (Liwanag)
ng mga Hentil, huwag maniwala."
Ang salitang "hentil" ay hindi tumutukoy sa mga hindi-Hudeyo,
kundi sa mga taong makasarili na gayun pa man ay maisasaayos.
Ang taong iyon ay maaaring nagpakita ng kahanga-hangang kaalaman
ng Kabala at magyabang tungkol dito sa harap ng kanyang mga
estudyante, nagpakita ng kaalaman na mayrong tumpak na
pagbabanggit galing sa mga teksto, at marami pa.
Itong pagpakita ng kaalaman ay maaring sa simula ay magdala ng
mga baguhan na maisa-alang-alang ang gurong ito na taong
espiritwal. Ito'y dahil sa ang mga baguhang estudyante ay
maaaring hindi makakita kung ano ang espiritwalidad at kung wala
ito walang paraan na masusuri ang kanyang pagkawala o
pagkakaroon nito ninuman. Ang baguhan ay dadaan sa gayong
pangunahing pagbabago sa simula ng paglalakbay na mahirap
maunawaan kung ano ang nangyari sa loob, mahigit kumulang ang
tantyahing wasto ang ibang tao.
Ang baguhang estudyante ay walang alam kahit may kaugnayan sa
naisulat na Torah, at maaring kukuha ng kahit sinong tao para
gawing dakilang guro. Subalit, mayrong pangunahing kaibahan sa
pagitan ng Kabalista at ng taong bihasa sa Torah: sa Kabala, ang
guro ay higit pa sa isang rabbi, siya ay giyang espiritwal. Ang
ibig sabihin ng salitang Hebreo "Rabbi" ay "dakila." Ang guro at
ang estudyante ay sabay-sabay na makaranas ng daang espiritwal.
Ang layunin ng guro ay hindi na ang kanyang mga estudyante ay
matakot at respetuhin siya; sa kabaligtaran, gusto niyang sila
ay mag-aral sa pamamaraang pagyamanin nila ang takot, respeto at
pag-ibig para sa Lumikha; gusto niyang ilagay sila harap-harapan
sa Kanyang lakas. Gusto niyang turuan sila kung paano deretsong
bumaling sa Lumikha. Ang mga taong dumaraan sa mga pagbabagong
espiritwal ay makadama sa saang punto ng pakiramdam na
karumal-dumal, kahinaan, pagkamakasarili, at kasamaan ng
kanilang mga sariling hangarin.
Pagkatapos nating maranasan ang mga damdaming ito, hindi na
natin maaring makayanan ang pagiging mapagmataas sa ating mga
sarili, dahil simula na nating makita na ang lahat ng bagay na
ating matanggap ay galing sa Lumikha. Iyon ang dahilan kung
bakit ang guro ng Kabala ay taong mapagkumbaba na namumuhay sa
pang-araw-araw na buhay tulad sa bawat isa sa atin, hindi taong
paham na nalalagot mula sa mundong ito.
Iyon ang dahilan kung bakit wala alin man sa dalawa, sa guro ng
Kabala o sa kanyang mga estudyante, ay mapagmataas; hindi nila
pinipilit ang kanilang mga pananaw sa iba, ni hindi man sila
mangaral. Ang layunin ng rabbi ay ang ibaling ang estudyante
patungo sa Lumikha sa bawat bagay, hindi patungo sa kanyang
sarili. Sa lahat ng ibang mga pamamaraan, kahit na sila ay
nagpanggap na mga Kabalista, ang mga estudyante ay simulang
mangingimi para sa guro, hindi para sa Lumikha.
Ang kaalaman ng Kabala ay ang pinakapraktikong siyensya ng
lahat. Lahat ng bagay ay napapailalim sa pagsusubok ng
estudyante. Iyon ang dahilan kung bakit ang Kabalistang giyang
espiritwal ay tagasanay na gumagawa kaagapay ng kanyang
estudyante. Kahit hindi dama ng estudyante, ang rabbi ay
palaging tumutulong sa kanya at nangangasiwa sa kanya.
ANG MAUTAK NA DISIPULO
Ang disipulong mautak ay taong nagnanais matuto mula sa Lumikha
mismo. Pero ano ang maaari nating matutohan mula sa Lumikha? Ang
nag-iisang katangian ng Lumikha ay ang Kanyang hangaring magalak
ang Kanyang mga nilikha. Sa kalahatan na ang tao ay nagnanais na
matamo ang tumpak na katangiang ito, ibig sabihin galakin ang
Lumikha, ang tao ay karapat-dapat sa titulong "ang mautak na
disipulo," ibig sabihin disipulo ng Mautak (ang Lumikha).
Ang mga taong dumadalo sa mga leksyon ay unti-unti makadama na
wala silang maintindihan anuman. Iyon ay pagtatamo na ng
pinakabalangkas ng katotohanan. Binigyan siya ng Lumikha ng
ganoong pakiramdam dahil gusto Niyang dalhil sila malapit sa
Kanya. Kung ang Lumikha ay walang gustong ang tao ay malapit sa
Kanya, bibigyan Niya ito ng kasiyahan sa buhay, sa kanyang
pamilya, at sa kanyang trabaho. Sa totoo, posible lamang ang
pagsulong sa pamamagitan ng walang katapusang pakiramdam ng
walang kasiyahan.
Ang karunungang nauukol sa Kabala ay walang bisa bago ito
papasok sa puso, sa emosyon. Maaari tayong mag-aral ng kahit
anong siyensya sa mundo na walang pagbabago sa ating mga
katangian, walang nag-iisang siyensya na nangangailangan ng mga
siyentipiko na baguhin ang kanilang mga pananaw, at ayusin ang
kanilang mga sarili. Ito ay sapagkat ang lahat ng mga siyensya
ay umiikot sa pag-iipon ng karunungan tungkol sa gilid ng ating
mundo, kahit na simulang nalaman ng siyensya ang tungkol sa
dependensya sa pagitan ng mga resulta ng eksperimento at ng
siyentipikong may hawak nito. Sa darating na panahon, madiskubre
ng mga siyentipiko na ang tunay na karunungan ay maaari lamang
matamo kung mapagpantay ng mananaliksik ang kanyang sariling mga
katangian sa katangian ng kanyang paksa na pinag-aralan.
Binigyan tayong lahat ng maraming mga pagkakataon para simulan
ang ating pagsulong sa wastong direksyon. Mahalagang makilala
nila at hindi mawalan ng kahit ano na binigay sa atin ng ating
Lumikha. Kailangang magpunyagi tayo para sa Kanya lamang at
subukang makita ang Kanyang patnubay sa lahat ng bagay na
nangyayari sa atin, sa lahat ng mga pag-iisip na dumarating sa
ating isip.
Isinulat ng pinakadakilang mga Kabalista kung paano dapat ang
tao sumulong sa mundong espiritwal. Ang Lumikha ay nagbigay sa
atin sobra ng ating kinakailangan para sumulong, kailangan
tayong maging mapagsalamat sa Kanya at sa mga Kabalista na
nagbigay sa atin ng lahat na ito.
Ang mga gurong nag-abot sa atin ng hangarin ng Lumikha at ng
layunin ng Kanyang patnubay ay nasa gayong tayog ng antas na
espiritwal, iyon ay sa ibayo ng ating imahinasyon, mas lalo na
bago natin maabot kahit ang una at pinakamababang mga antas na
espiritwal.
Ang dakilang mga Kabalista ay nakatuklas ng mga salitang
espesyal para mailarawan ang mga pagpapatakbo ng Lumikha para sa
atin; sila ay nagbihis ng Kanyang liwanag at ng Kanyang mga gawa
sa mga salita at mga kataga. Ang mga Kabalista ay sumulat sa
antas na maari nating maintindihan sa simula ng ating mga
paglalakbay, upang sa susunod, sa pamamagitan ng ating mahirap
na trabaho at pananaliksik sa teksto, maaari nating madama ng
lubusan at buong-buo ang Kanyang liwanag.