Bakit ako naghanap sa bagay espiritwal?
Bakit gusto pa ako ng karagdagang bagay o kakaiba sa pang-araw-araw
na handog ng buhay? Ibinarila ng Kabala ang tanong na ito sa
ganito: Paano ang hangarin para sa lalong mataas na lakas
lumitaw?
Ang sangkatauhan ay sumulong sa ibabaw ng napakaraming
pagkabuhay; una ay kawangis ng mga hayop na ang mga hangarin
lamang ay pagkain, pamilya, seks at tirahan; saka ay nagsulong
sa pamamagitan ng mga antas ng kayamanan, kapangyarihan,
karangalan, at karunungan.
Sa unang antas ng pag-unlad, ang mga hangarin sa pagkain,
pamilya, seks at tirahan ay ang natatanging mga hangarin ng tao.
Kahit ang tao na namuhay na parang ermitanyo ay mayroong mga
hangaring ganito at nagsikap na isakatuparan ang mga iyon. Ang
mga hangaring napamihasa sa pamamagitan ng impluwensya ng
lipunan (mga hangarin ng kayamanan, kapangyarihan at karangalan)
ay lumitaw sa susunod na antas.
Pagkatapos nito, ang hangarin sa karangalan ay lumitaw. Ang mga
siyensya ay nagtagumpay habang tayo ay nag-umpisang tuklasin
kung saan ang lahat ng bahay ay nanggaling, para hanapin ang
ating pinagmulan.
Sa susunod na antas lamang ang tao ay naghangad na malaman ang
tunay na pinagmulan, ang kanyang diwa—ang kabuluhan ng buhay. "Saan
ako nanggaling?" "Sino ako?" "Ano ako?" Ang mga katanungang ito
ay nagdulot ng pagkakabalisa at paghihirap ng tao.
Ang mga tao ay likas na makasarili. Lahat ng ating mga hangarin
ay tulak-pansarili at naghanap ng katuparan. Sila ay nagpilit sa
atin, sa literal na kahulugan ay namahala sa ating bawat kilos.
Ang sukdulan ng pagkamakasarili sa ating mundo ay ang hangaring
mapuno sa karunungan tungkol sa bagay na mas mataas sa atin.
Ano ang pinagmulan ng mga hangarin at paano sila lumitaw? Ang
pinagmulan ng mga hangarin ay ang paghihirap. Ang paglipat ng
isang uri ng hangarin sa ibang uri ay nangyari lamang sa ilalim
ng impluwensya ng paghihirap. Kung ako ay nasa estadong timbang,
sa gayon ako ay makadama ng kaginhawaan at lahat ay nasa
mabuting ayos. Saka ang bagong hangarin ay lumitaw, at ako ay
makadama na mayroong bagay na nawawala. Ngayon ako ay gustong
makaranas ng bagong bagay, kaya nga ako ay magsimulang isaganap
ang hangaring ito...at ang prosesong ito ay palaging nauulit
siya sa sarili. Sa ibang salita, ako ay palaging naghahabol sa
mga bagong hangarin.
Tayo ay isinilang sa planetang ito, nabuhay at namatay tayong
nagsusumikap na mabigyang kasiyahan ang ating hindi mabilang na
mga hangarin. Pagkatapos lamang ng maraming buhay saka natin
maabot ang katayuan na iisang hangarin na lamang ang siyang
naiwan: ang hangaring maabot ang ating pinagmulan, ang kabuluhan
ng ating buhay. Kapag itong kahuli-hulihan, pangwakas na
hangarin ay lumitaw, lahat ng bagay ay parang hindi na kailangan
at walang kabuluhan. Ang tao ay maging malungkot, makaramdam ng
emosyonal at espiritwal na pagkawalang-saysay, parang walang
bagay sa mundong ito ang maaring makapagbigay ng kaligayahan.
Ang buhay ay parang walang kabuluhan at nagkulang ng totoong
bagay..."Ano ang layunin ng aking buhay? "Bakit ako nabuhay?"
Ito ang mga katanungang nagdala ng mga tao sa Kabala.