kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Bakit Kabala? Bakit Ngayon?

Sa kasalukuyan, maraming tao ang naniwala na ang pag-unlad ng sangkatauhan ay malapit na sa wakas. Ang nakalipas nating mga pag-asa para sa mas mabuti, lalong maligayang buhay sa pamamagitan ng pansiyentipiko at panlipunang pag-unlad ay natakpan ng tumutubong pesimismo sa ibabaw ng parang daang putol sa dulo.

Makikita natin na parami ng parami sa mga tao sa mundo ay walang kayang humanap ng katuparan. Dati, iniisip natin sa ating sarili na gaya ng gumagawa ng malaking paglundag pasulong, naniniwalang tayo ay gumawa ng substansyal na pag-unlad, pero sa kasalukuyan nakita natin na tayo ay parang humarap sa isang uri ng pader.

Ang sangkatauhan ay parang nabaon sa depresyon, pagpapakamatay at ang mga droga ay dumami, at ang mga tao ay nagtangkang ikalas ang kanilang mga sarili mula sa mundo, at supilin ang kanilang mga damdamin. Terorismo at ang mabilis na pagdami ng mga natural na kalamidad ay mga sintomas ng mga krisis pandaigdig, at ang lahat na mga kalagayang ito ay nagdala ng sangkatauhan sa iisa't pangunahing katanungan: "Ano ang kabuluhan ng buhay?"

Maraming tao ay simula ng nanaliksik para sa kasagutan sa tanong na ito. Ito ay maging malinaw kung isaalang-alang natin ang malawak na pagdami ng mga naghahanap sa espiritwal sa kabuuan ng dalawampung taong nakalipas.

Isinulat sa The Book of Zohar, na sa dulo ng ika-dalawampung siglo ang sangkatauhan ay simulang magtanong tungkol sa kabuluhan ng buhay, at ang sagot sa tanong na ito, nakatago sa lumang siyensya ng Kabala, ay maaari lamang ibunyag sa ating kapanahunan, tamang-tama dahil sa mga mapagsubok na pangyayari.

Ang siyensya ng Kabala ay itinago sa kabuuan ng isang libong taon dahil sa dahilang ito. Ang mga tao ay hindi pa handa para nito, at hindi pa nangangailangan nito. Pero sa nakaraang mga taon ang kanyang pang-akit ay umakyat sa nakakaantig na anyo. Marami  ang nag-aral sa Kabala, sabik makaalam kung ano ang maibigay nito sa kanila. Kapag malaman ng tao na ang Kabala ay sumagot sa tanong hinggil sa kabuluhan ng buhay, siya ay hindi na makadama ng pagkatakot nito at simulang mag-abala sa pag-aaral nito.

Mga palagay na ang Kabala ay tungkol sa mahiko, mga milagro, pulang hilo, at bendita ay unti-unting nawala. Maaaring makita ng mga tao na ang mga ito ay mga pangyayaring nasa isip lamang.

Ang pangangailangan para sa totoo, tunay na Kabala ay tumutubo. Sa ibang salita, mayroong tumutubong pangangailangan para diyan na nagpahintulut sa atin na damhin ang malawak na sansinukob, ang walang hanggang pag-iiral, at ang lalong mataas na namamahalang mga lakas. Gustong malaman ng mga tao bakit ang ating mundo at ang ating mga buhay ay nagpamalas sa ganoon, saan tayo galing at saan tayo pupunta. 

Sa ating panahon, maraming tao mula sa iba't ibang dako sa mundo ay unti-unting nagkaroon ng kaigihan sa tanong na iyon, at ito ang dahilan na ang siyensya ng Kabala ay nagkamit ng malawakang katanyagan. Dahil sa ang makamundong pag-iiral na ito ay parang lalong hindi kasiya-siya at limitado, parami ng parami ng tao ang naghanap na i-ugnay ang kanilang mga sarili sa bagay na ibayo sa mundong ito.

Kung kaya, sa kasalukuyan ang tao ay handa para sa siyensya ng Kabala. Malugod na tinanggap nito ang lahat na tunay na naghanap na madiskubre ang kabuluhan ng buhay, ang pinanggagalingan ng ating pag-iiral, at nag-alok ng praktikong pamamaraan para maabot ito.