Pwede Bang ang Tunay na "Ako" ay Tumayo
Sino si Joe Blow?
Karamihan sa atin ay tunay na may katapatang-loob sa kung sino
tayo. Sa katunayan, pinakamarami sa pagkakataon tayo din ay may
pananalig sa kung sino ang mga kaibigan natin. Subalit sa oras
na ako ay magsimulang maglarawan sa aking sarili o sa aking
kaibigan, ang piniling mga saligan para sa paglalarawang iyon ay
kadalasang magsimula sa pangkatawang paglalarawan: edad,
kasarian, tangkad, pangkalahatang anyo, kulay ng buhok, kulay ng
mata at iba pa. Sabihin mo sa akin ang karagdagang bagay tungkol sa kanya. Ano
ang kawangis niya?
Mangyari pa, ang uri ng paglalarawang ito ay tunay na limitado
at nagbigay ng lubos na di tunay na pagliliwanag hinggil sa
partikular na tao na siyang inilarawan at tayo ay agad-agad
nagpatuloy sa paglalarawan sa kung ano ang taong iyon kawangis,
sa ibang salita, ang kanyang mga katangian.
Kailangan ko ang dagdag na kaalaman! Ano ang gusto niyang gawin?
Ilan sa mga katangiang ito ay nababatay sa pangunahing
kapaligiran, ang kanilang pamilya, trabaho, ibang mga kaibigan,
saan sila nakatira, at iba pa. Sa uulitin, nakita natin na ang
atin paglalarawan ay kulang. Sa bandang huli, kung hukayin natin
nang pinakamalalim, madiskubre natin ang huling pinakamalalim na
patong: ano ang taong iyon kapareho. Halimbawa, ang ating
kaibigan ay maaaring gusto ng opera o musikang probinsyal,
putbol o beysbol, magbasa o manood ng TV, manatili sa bahay
kasama ang pamilya o lumabas at magparti sa buong magdamag.
Pero ano talaga ang inilarawan natin dito? Ang mga katangiang
ito ay tunay na mga hangarin ng partikular na tao na matuwang
ito ay maisakatuparan. Simula nating makilala ng tunay ang isang
tao kung malaman natin ano ang kanilang gusto, ano ang
makakatuwa sa kanila, ano ang makapagbigay sa kanila ng
pinakamaraming kasiyahan. Ito ay tamang-tama kung bakit,
karaniwan, ang ating pinakamatalik na mga kaibigan ay ang mga
taong kanino tayo ay mayroong pinakamaraming pangkaraniwan
tungkol sa ano ang makapagbigay sa atin ng kasiyahan.
Sa ibang mga salita, kung gusto nating gumawa ng kaparehong mga
bagay gaya ng ating kaibigan, gusto nating maging malapit sa
kanila palagi. Ang huli nating mga konklusyon kaugnay sa "sino"
kahit sino ay sa katotohanan palaging nababatay sa mga hangarin
na di karaniwan sa partikular na taong iyon.
Ako ba ay ang aking mga hangarin?
Ito ba ay nangangahulugang ako ay ang aking mga hangarin?
Maliban sa aking mga katangiang byolohiko, ako ba ay tiyak na
bilang lang ng mga kagustuhan ko na kung ating pagsama-samahin
ay magbuo ng ako, ang tao?
Nakita natin sa pinakaraming iba't ibang mga hangarin sa mundong
ito na kung kunan natin ng kabuluhan ang bawa't isa ng mga
hangaring ito, unawaing ang bawa't isa sa kanila ay maaaring
maisakatuparan sa maraming paraan, hindi kamangha-mangha bakit
nagkaroon ng napakaraming pagkakaiba-iba sa lahat ng tao sa
planeta.
Gayon pa man, isaalang-alang ng isang sandali na baka ay
mayroong mas malalim na "ikaw," ang "ikaw" na di-itinakda ng mga
kumbinasyon ng mga katangiang pisikal at ng kabuuan ng mga
hangarin sa partikular na uri ng kasiyahan. Saan at paano ko
madiskubre ang "ako" na iyon sa loob ng panlabas na "ako"?
Naguguluhan pa rin? Anong ibang "ako" ang posibleng mayroon?
Ako ay hindi mga hangarin ko
Ang sagot sa tanong na ito ay matagpuan hindi sa loob ng mga
hangarin na nagbuo ng tao, kundi sa loob ng "sino" na tunay na
tumupad nito. Sa ibang mga salita, saan nagmula ang mga
kasiyahan na tumupad sa mga hangaring ito?
Ipagpalagay natin ng isang sandali na mayroong uri ng pwersa,
pwersang naiiba, grabida, kuryente, kahit ano. Subalit ang
di-karaniwang bagay tungkol sa pwersang ito ay siyang
makapagbigay sa atin ng kasiyahan. Paano? Una, ginawa nito ang
hangaring ating nadama sa iba't ibang paraan, at saka tinupad
sila. Sa katotohanan, ito talaga ang nangyari. Bawat kilos na
ating ginawa mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki ay
ang tuparin ang isang uri ng hangarin.
Habang ikaw ay nag-isip-isip sa bagay na iyon, pag-aralan ito.
Tayo ay talagang itinago mula sa pwersang ito. Subalit kung ang
pwersang ito ay umiral, hindi lang sa ito ay responsable sa
bawat bagay na aking ginawa, dahil sa lagi kong sinubukang
tuparin ang isang hangarin o ako'y manatiling walang galaw, pero
ito ay responsable rin sa lahat ng bagay na ginawa rin ng ibang
mga tao. Dahil lahat ng mga aksyon ng sinong tao sa planeta ay
laging para sa parehong layunin, para tumanggap ng isang uri ng
katuparan sa isang hangarin. Ito ay totoo din sa kahit anong
hayop sa planeta. Ang kaibahan lang ay ang ating mga hangarin ay
mas dibelop.
Ang kuwento ng Hari at ng pulubi
Ano talaga ang sinubukan nating marating dito? Tingnan natin
kung ang maiksing kwento ay maaaring makapagbigay-linaw sa lahat.
Dati mayroong dalawang bata na matalik na magkaibigan. Nang sila
ay lumaki na, ang isa ay naging Hari, at ang isa ay simpleng
pulubi. Nawala ang kanilang bakas sa bawa't isa sa paglipas ng
mga taon, pero isang araw nadiskubre ng Hari kung nasaan ang
pulubi. Sa nakita niyang katayuan nito, nagsimula siyang
magbigay sa sekreto ng mga regalo. Nagustuhan ng pulubi ang mga
regalong natanggap at maligayang-maligaya sa kasiyahang naibigay
nito na mahabang panahon muna ang lumipas bago siya nagsimulang
magtaka kung sino ang nagbigay sa kanya ng yaong mga regalo.
Pagkalipas ng maraming taon, sa wakas pumasok sa isip niya na
ang mga regalong ito ay may pinagmulan, at simula siyang
naghanap sa pinagmulan ng mga kawili-wiling regalo. Isang araw,
napansin niya ang taong nag-iwan ng regalo para sa kanya at
sinundan niya ito. Tiyak na ang tao ay pumasok sa palasyo ng
Hari at ang pulubi ay sumunod sa kanya sa loob.
Nang makasalubong ang Hari, nagtaka siya ng labis ng madiskubre
na ito ang nagbigay sa kanya ng mga regalo sa mga taong ito.
Napansin ng Hari na ang pulubi ngayon ay hindi na tunay na
masaya at nagtanong siya "Ano pa ang maaaring maibigay ko para
ikaw ay maging tunay na maligaya?" Ang pulubi ay sumagot "Gusto
kong maging katulad ka, ang gumawa ng ginagawa mo." Ito ay
di-maaaring gawin ng Hari, dahil maaari niyang ibigay sa pulubi
ang lahat ng kanyang mga ari-arian, pero ito ay depende na sa
pulubi para hanapin sa loob nito ang hangarin ng mabuting Hari.
Tayo ay katulad ng pulubi, palaging tumanggap ng kasiyahan sa
mga hangaring iniligay sa loob natin ng hindi kilalang tagabigay.
Pero sa isang punto, tayo ay simulang hindi lang naki-ugnay sa
mga regalo galing sa tagabigay, kundi talagang gustong malaman
kung sino siya, at maging katulad niya.
Kailangan kong likhain ang tunay na "ako"
Ang hangaring ito ay kumatawan ng ating tunay na "ako". Bakit?
Dahil lahat ng ibang mga hangaring ito ay talagang galing sa
tagabigay. Pero ang hangaring maging katulad ng tagabigay, ang
gumawa ng kanyang ginagawa, ay hindi ang hangarin na binigay
niya sa atin, ito ay hangarin na ating idibelop sa loob ng ating
mga sarili. At ito lang ang malayang hangarin na angkin natin,
ang lahat ng iba pa ay galing sa tagabigay.
Kung gustong malaman ng tao kung sino talaga sila, ang
pananaliksik ay nagsimula sa paghanap kung sino talaga ang
nagdala ng mga kasiyahan na nararanasan nila, at simulang
makiugnay sa tagabigay, hindi sa mga kasiyahang galing sa
tagabigay.